• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa, aprubado na ni PDu30

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa.

 

Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa kanilang mga asawa, mga magulang at anak na kasama ng mga ito na buma-byahe ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinakailangan na kumuha ang mga ito ng “Certification from the Philippine Overseas Labor Office in the country of origin. ”

 

Para naman aniya sa mga Filipino at dayuhan na fully vaccinated sa Pilipinas, kinakailangan na makapagpakita ang mga ito ng kanilang local government unit (LGU) hospital-issued Vaccination Cards ( original o hard copy form) o LGU-issued Vaccine Certificate, “provided” na puwede aniya itong ma-beripika o makumpirma ng border control authorities, o BOQ-issued International Certificate of Vaccination or Prophylaxis (ICV).

 

Samantala, para naman aniya sa mga Filipino na nabakunahan sa ibang bansa at dayuhan na fully vaccinated sa ibang bansa ay kinakailangan aniya na makapag-presenta ang mga ito ng vaccination certiticate na ipinalabas ng “health authorities of their place of vaccination,” “provided” na pupuwede pong ma-beripika ang ang mga sertipikong ito. (Daris Jose)

Other News
  • Vander Weide believes Petro Gazz has firepower to match Cignal

    Dahil sa matinding pagkatalo sa Creamline sa kanilang semis opener, alam ng import ng Petro Gazz na si Lindsey Vander Weide na kailangan niyang makipag-usap sa kanyang mga kasamahan sa koponan upang palakasin ang kanilang moral bago ang kanilang laban laban sa second-seeded na si Chery Tiggo.     Kaya, bago ang laro, hiniling ng […]

  • Mister nabuhusan ng natutunaw na bakal, patay

    TODAS ang isang 45-anyos na mister matapos aksidenteng mabuhusan ng natutunaw na bakal sa kanyang pinagtatrabahuan sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ang nasawing biktima na si Edgardo Obzunar, 45, scrap charger at residente ng CF Natividad St. Mapulang Lupa, Valenzuela city.   Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang […]

  • DBM, naglaan ng P15.2B budget para sa DMW para sa taong 2023

    NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM)  ng P15.2 bilyong piso sa bagong itinatag na Department of Migrant Workers (DMW) sa ilalim ng panukalang  P5.268-trillion 2023 national budget.     Sa kalatas na ipinalabas ng DBM, sinabi nito na sa kabuuang halaga, P3.5 bilyong  piso ang inilaan sa   Office of the Secretary ng DMW. […]