Bulacan nagbigay ng oryentasyon sa RA 10821 at basic sign language sa mga kawani at child development workers
- Published on July 27, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng obserbasyon ng National Disaster Resilience Month (NDRM) at National Disability Prevent and Rehabilitation (NDPR) Week, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare Development Office ng “Orientation on RA 10821 at Basic Sign Language” para sa mga empleyado, mga social worker at child development workers (CDW) sa lalawigan sa pamamagitan ng online conference na isinagawa sa Zoom application kahapon.
Ito ay kaugnay ng programang Evacuation Center Coordination and Management (ECCM) ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office para sa kahandaan ng lalawigan sa oras ng sakuna.
Kilala rin bilang Children’s Emergency Relief and Protection Act, nilagdaan at naaprubahan ang RA10821 noong Mayo 18, 2016, na nagtatakda ng pamantayan ng pananagutan sa mga bata tungkol sa pangangalaga at pagkakaloob ng kanilang mga pangangailangan bago, habang at pagkatapos ng isang sakuna.
Ayon kay Clarita Libiran ng PDRRMO, bukod sa mga bata, ang mga buntis /nagpapasuso na kababaihan at mga batang may kapansanan ay protektado rin sa batas na ito at nararapat makatanggap ng mabilisang paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo.
Bukod dito, pinangunahan din nina Ana Maria Santos at Efrida Christina Jo Zapanta mula AKAPIN, Inc., isang organisasyon ng mga magulang ng mga kabataang may kapansanan, ang basic sign language training upang turuan ang mga CDW at mga social worker na makipag-usap sa mga batang may espesyal na pangangailangan lalo na sa oras na nangangailangan sila ng tulong sa isang hindi inaasahang pangyayari, kalamidad o sa kanilang pananatili sa evacuation center.
Binigyang diin naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng gampanin ng mga social worker at mga child development worker sa paggabay at pag-unawa sa mga kabataan lalo na sa panahong sila ay pinaka kailangan.
“Kayo ang katuwang ng ating pamahalaan sa pag-aalaga sa ating mga kabataan lalo na sa panahon ng sakuna. Tayo, bilang ginamit ng Panginoon upang tumulong at maglingkod, ito ay panawagan ng sakripisyo at pag-unawa para maiangat ang dangal ng ating mga kabataan at ating mga kalalawigan. Sinusuportahan po natin ang mga ganitong layunin para sa ating mga kabataan lalu na ‘yong mga batang may special needs,” anang gobernador. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
‘Expanded’ travel ban vs 20 bansang may bagong COVID variant, ipatutupad ng PH – Duque
Inanunsyo ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi na papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na manggagaling sa 20 bansang nakapagtala na ng bagong variant ng COVID-19. Ayon kay Duque, epektibo ang expanded travel ban simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Disyembre 30 at tatagal hanggang Enero 15, 2021. Ang mga bansang […]
-
Creativity ng mga Pilipino, pinuri ng opisyal ng CBCP
Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga bagong pamamaraan ng mamamayang Filipino para maging produktibo katulad ng online selling sa kabila ng covid 19 pandemic. Lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na bahagyang dumami ang kasalukuyang bilang ng mga kababaihang online seller kumpara […]
-
Irene Marcos Araneta, dumalo sa libing ni Queen Elizabeth
TUMAYONG special representative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang kapatid na si Irene Romualdez Marcos- Araneta sa state funeral ng Kanyang Kamahalan Queen Elizabeth II. Kasama ni Irene Romualdez Marcos- Araneta ang kanyang asawa na si Gregorio María Araneta III. Sa isang kalatas, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang […]