‘Expanded’ travel ban vs 20 bansang may bagong COVID variant, ipatutupad ng PH – Duque
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
Inanunsyo ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi na papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na manggagaling sa 20 bansang nakapagtala na ng bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Duque, epektibo ang expanded travel ban simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Disyembre 30 at tatagal hanggang Enero 15, 2021.
Ang mga bansang ito ay ang mga sumusunod: United Kingdom, Switzerland, Denmark, Hong Kong, Ireland, Japan, Australia, South Africa, Israel, Netherlands, Canada, France, South Korea, Singapore, Germany, Iceland, Italy, Spain, Lebanon, at Sweden.
Sakop aniya sa naturang ban ang lahat ng mga biyahero, mapa-Pinoy man o banyaga.
Para naman sa mga pasaherong in-transit na, sinabi ni Duque na makakapasok pa rin ang mga ito pero kailangan nilang sumailalim sa 14-day mandatory quarantine sa mga accredited facilities.
Ito aniya ay kahit negatibo ang mga ito sa kanilang RT-PCR test.
Hindi naman aniya kasama sa ban ang mga returning overseas Filipino workers.
“Except for OFWs. ’Yun ang gusto ng pangulo na ang mga OFWs, ang mga kababayan natin hayaan silang makapasok but they will have to undergo strict 14-day quarantine,” wika ni Duque. (Daris Jose)
-
JOEM, naniniwalang makababangon muli ang ABS-CBN ‘pag nabigyan ng bagong prangkisa; ini-enjoy ang pagiging ama
ISANG taon na ang nakalipas mula nang maipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa nito. Pero kahit na walang prangkisa ang network ay patuloy pa rin si Joem Bascon sa pagtratrabaho sa network. Joem had been working sa ABS-CBN since he was 19 and after 15 years ay […]
-
ERIN OCAMPO, tinutukoy na third party sa hiwalayang ALJUR at KYLIE
SI Erin Ocampo ang diumano’y tinutukoy na third party raw sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Hindi na kami magtataka kung isang araw, magsalita ito. Isang malapit kay Erin ang nakausap namin at nakakaalam ng totoong pangyayari sa totoong naging dahilan daw ng hiwalayang Kylie at Aljur. Alam din nito kung […]
-
22 ‘protektor, smugglers’ ng agriculture products tinukoy
KABILANG ang pinakamatataas na mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) sa 22 katao na pinangalanang umano’y mga protektor at smuggler ng mga produktong agrikultura. Ito ay base sa intelligence report na natanggap ni Senate President Vicente Sotto III nitong Mayo 17 at nakasaad sa committee report no. […]