• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DELTA VARIANT SA CAVITE AT BATANGAS, LOCAL TRANSMISSION LANG

KLINARO ni  Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo  na ang limang kaso ng Delta variant sa rehiyon ay pawang mga local cases lamang at hindi isang local transmissions.

 

 

Ayon kay Janairo na may limang naiulat na kaso at sa limang naiulat, tatlo dito ay kaso ng Delta variant na naiulat ng National Epidemiology Center at dalawa dito ay mula sa probinisya ng Cavite at isa sa Batangas.

 

 

“These three cases were not from the community where they reside, but they were actually OFWs and two were from the Middle East who eventually went to their place of residence after their being quarantined and they were already confirmed negative of the virus,” paliwanang ni  Janairo

 

 

Ang dalawang kaso ng Delta variant na naiulat ay isang 58-anyos na Tatay at  kanyang 29-anyos na anak mula sa Calamba City, Laguna  at iniimbestiogahan na kung paano nakuha ang virus.

 

 

Sinabi ni Janairo na ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit ay nagsasagawa na ng contact tracing activities sa pakikipag-ugnayan sa local government  ng Calamba City.

 

 

“Nagmeeting na sila with local government at may mga contact tracing na ngang ginagawa sa ngayon, dahil initially ang exposure ay sa 3 tao ‘yung katulong, ‘yung household helper, ‘yung isa pang kapatid at may isa pang kasambahay doon na na-expose pero mga negative naman sila raw,” sabi nito.

 

 

“Importanteng malaman natin kung ilan talaga ang kaso ng Delta variant sa region, paano ito i-contain upang hindi na kumalat at dumami pa ang kaso.”

 

 

Ayon pa kay Janairo na hindi kailangang mag-panic kundi doblehin ang pag-iingat upang makaiwas at makinig sa mga anunsyo at alintuntunin ng mga lokal na pamahalaan.

 

 

“Nananawagan din po ako sa mga residente na kasama sa priority list at hindi pa nabakunahan na magpalista na upang makatanggap ng bakuna laban sa covid dahil ito ay magsisilbing dagdag protekyon laban sa covid virus,” ayon pa kay Janairo. (GENE ADSUARA)

Other News
  • DA planong magpatupad ng SRP ng mga asukal

    PLANO  ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) ng mga asukal ng P90 per kilo ng mga asukal.     Base kasi sa pinakahuling monitoring ng DA na nasa P95.00 na per kilo ang asukal para sa mga refined; P75 per kilo sa mga washed at P70 per kilo ng […]

  • Ika-4 na Guinness Book of World Records ni Paeng

    Sa ikaapat na pagkakataon ay muling pinarangalan ng Guinness Book of World Records si Filipino bowling legend Paeng Nepomuceno.   Mula sa dating 118 ay pinalobo ni Nepocumeno sa 133 ang kanyang career tenpin bowling championships para sa record na Most Bowling titles.   Nakamit ng Pinoy bow­ling legend ang kanyang ika-133 titulo noong 2019 […]

  • Ilang kaso ng UK variant at South African variant naitala sa Navotas

    Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na may sampung kumpirmadong kaso ng B.1.1.7. o UK variant ng COVID-19 sa lungsod at isa naman ang merong B.1.351 o South African variant, ayon sa pinakahuling report ng Department of Health.     Ayon kay Tiangco, kabilang sa mga barangay na may ganitong mga kaso ang Brgy. […]