Ika-4 na Guinness Book of World Records ni Paeng
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
Sa ikaapat na pagkakataon ay muling pinarangalan ng Guinness Book of World Records si Filipino bowling legend Paeng Nepomuceno.
Mula sa dating 118 ay pinalobo ni Nepocumeno sa 133 ang kanyang career tenpin bowling championships para sa record na Most Bowling titles.
Nakamit ng Pinoy bowling legend ang kanyang ika-133 titulo noong 2019 kung saan niya pinagharian ang PTBA Mixed Open sa Quezon City sa edad na 62-anyos.
Si Nepomuceno rin ang naging pinakamatandang Masters champion.
Hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Nepomuceno ang Guinness World record bilang pinakabatang World Tenpin bowling champion na ginawa niya noong 1976 Bowling World Cup (BWC) sa Tehran, Iran.
May pinakamarami rin siyang bowling world titles sa tatlong magkakaibang dekada (1976, 1980, 1992, at 1996 Bowling World Cup titles, 1984 World’s Invitational at 1999 World Tenpin Masters) at may pinakamaraming worldwide titles sa loob ng limang dekada.
Iniluklok si Nepomuceno sa Philippine Sports Hall of Fame noong Nobyembre 22, 2018.
-
Heat stroke at iba pang sakit sa tag-init, ibinabala ng DOH
Mas pinaigting ng Department of Health (DOH) ang panawagan sa publiko na iwasang maglalabas ng bahay dahil sa bukod sa COVID-19, mapanganib rin ngayon ang mga sakit dulot ng matinding init kabilang na ang heat stroke. Sinabi ni DOH-Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo na maliban sa heat stroke, dapat iwasan din ng […]
-
Kinumpirma sa mismong ‘Araw ng mga Ama’: ZANJOE, may sweet message kay RIA after ng pregnancy news
LAST Sunday, June 16, kinumpirma na ni Ria Atayde na dinadala niya ang first baby nila ni Zanjoe Marudo sa kanyang Instagram post. Kasabay ito nang pagbati niya kay asawa ng ‘Happy Father’s Day.’ Kasama ng dalawang larawan na kuha sa isang beach na kung saan first time ipinakita […]
-
PDU30, alam na hindi labag sa batas ang posibleng pagtakbo bilang vice president sa 2022 elections
HINDI naman lingid sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nakasaad sa Saligang Batas partikular na sa kanyang magiging pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections. Kaya naman ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nakatitiyak ang Pangulo na wala itong lalabaging batas sakali mang magdesisyon siyang tumakbo bilang bise presidente Sa 2022 elections. […]