• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9 PANG PUGANTENG JAPANESE NATIONAL, PINA-DEPORT

PINABALIK sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na puganteng Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa telecommunications fraud.

 

 

Ang mga pugante ay umalis patungong Narita via Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kasama ang kanilang mga Japanese police escort .

 

 

Kinilala ang mga pina-deport na sina Matsuoka Shunjiro, Haga Kenji, Yoshizawa Shinichi, Takeda Tasuya, Araki Toshiya, Ogawa Takuma, Hiramura Takashi, Kiya Yasuke  at Ichimura Shuichi.

 

 

Ang siyam ay kabilang sa sindikato na sangkot sa telecom fraud at extortion, na inaresto sa isang hotel sa Makati City noong  November 2019 ng mga ahente ng BI’s Fugitive Search Unit.

 

 

“They were involved in voice phishing and telephone fraud operations that targeted Japanese,” ayon kay  BI Commissioner Jaime Morente.

 

 

Matatandaan na sampu pa sa kanila ay pina-deport kamakailan upang harapin ang kanilang kaso sa Tokyo.

 

 

Ang mga pugante ay inilagay na rin sa BI’s blacklist upang hindi na makabalik ng bansa.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • MGA PASAHERO sa KAHABAAN ng COMMONWEALTH AVENUE, PATULOY ANG SAKRIPISYO SA PAGSAKAY ng PUBLIC TRANSPORT

    Ang Commonwealth Avenue ang sinasabing pinakamalapad na highway sa Metro Manila.  Naguumpisa ito sa may Quezon Memorial Circle hanggang sa may Quirino highway.   Ang kabuuan nito ay sakop ng Quezon City at ang kabilaang banda ay ang pinakamalalaking barangay ng Quezon City – Old Capitol site, San Vicente, UP Campus, Culiat, Matandang Balara, Commonwealth, […]

  • ‘Power is the great equalizer’: Nag-react ang mga fighters sa knockout ni Alex Pereira kay Israel Adesanya sa UFC 281

    Naulit ang kasaysayan sa UFC 281 nang hulihin ni Alex Pereira ang Israel Adesanya sa kanilang MMA rematch, na nagpakilos ng TKO win na naglagay ng UFC middleweight belt sa baywang ng Brazilian.   Paulit-ulit na nilalaro ni Adesanya ang apoy habang siya ay nakatayo at hinampas si Pereira. Sa huli sa una, halos nagbayad […]

  • Fajardo babalik na sa Season 46

    Lalong lalakas ang tsansa ng San Miguel Beer na mabawi ang korona sa Philippine Cup dahil magbabalik-aksyon na si six-time MVP June Mar Fajardo.   Nakakuha na ng clea­rance si Fajardo mula sa kanyang mga doktor para muling makapag-ensayo at makapaglaro sa susunod na season ng liga.   Kaya naman asahan ang mabangis na Beermen […]