• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Napakasarap sa pakiramdam’ ang panalo ni Hidilyn, gusto ko na ring magretiro’ – Puentevella

Hindi napigilang maging emosyunal at maiyak ng presidente ng Samahang Weighlifting ng Pilipinas (SWP) Monico matapos ang malaking panalo kagabi ni Hidilyn Diaz sa 55kg women’s weightlifting sa Tokyo Olympics.

 

 

Ang dati rati’y ay energetic at madaldal na kausap na si Puentevella ay halos walang masabi at pautal-utal na lamang na nagkwento sa likod ng madramang face off kagabi ni Hidilyn laban sa mahigpit na karibal at dating world champion mula sa China.

 

 

Habang emosyunal at nagpapahid ng luha, ibinulalas ni Puentevella na 17 taon na rin si Diaz bilang kanyang atleta at maraming hirap ang dinanas, kasama na ang apat na Olimpiyada.

 

 

Dugo at pawis umano ang pinuhunan ni Diaz para marating ang rurok ng tagumpay ngayon.

 

 

Habang emosyunal at nagpapahid ng luha, ibinulalas ni Puentevella na 17 taon na rin si Diaz bilang kanyang atleta at maraming hirap ang dinanas, kasama na ang apat na Olimpiyada.

 

 

Dugo at pawis umano ang pinuhunan ni Diaz para marating ang rurok ng tagumpay ngayon.

 

 

Inamin nito na halos wala pa rin siyang tulog mula pa kagabi at “napakasarap” daw ng pakiramdam na ang laban ni Diaz ay para sa bayan.

 

 

Sa wakas nakamit din ng bansa ang napakailap na gintong medalya matapos ang halos 100 taon na kampanya sa Olimpiyada.

 

 

Aniya, dahil daw sa tagumpay na ito maging siya man ay iniisip na ring magretiro.

Other News
  • CBCP naglunsad ng adbokasiya para sa pananalig, pagkakaisa vs COVID-19 pandemic

    Hinikayat ng mga lider ng simbahan ang mga Pilipino na kumapit sa kanilang pananampalataya ngayong coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Sa ulat, inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bagong national campaign na “Yakapin ang Bagong Bukas (Embrace the New Tomorrow).” Ito ay ang malawakang isang minutong pagkakampana sa buong bansa sa ganap […]

  • LIBRENG MASS TESTING PINAPAOBLIGA SA SC

    PINAPAOBLIGA ng 11 indibidwal sa Supreme Court (SC)  ang gobyerno na magpatupad ng libreng mass testing sa COVID19. Sa pamamagitan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), hiniling ng mga petisyuner na palakasin ang contact tracing ,mabilisang pag contain ng virus at i-improve ang laboratory testing capacity. “The omission of proactive and efficient mass testing […]

  • Duterte pinasalamatan si PNoy sa naging serbisyo sa bayan

    Kasabay nang pakikiramay, pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III sa serbisyong na­gawa nito sa bansa.     “We thank the former president for his service to service to our country,” ani Duterte.     Ayon sa Pangulo, nalungkot siya noong malaman niya na pumanaw na ang dating presidente kahapon […]