LIBRENG MASS TESTING PINAPAOBLIGA SA SC
- Published on July 6, 2020
- by @peoplesbalita
PINAPAOBLIGA ng 11 indibidwal sa Supreme Court (SC) ang gobyerno na magpatupad ng libreng mass testing sa COVID19.
Sa pamamagitan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), hiniling ng mga petisyuner na palakasin ang contact tracing ,mabilisang pag contain ng virus at i-improve ang laboratory testing capacity.
“The omission of proactive and efficient mass testing amid the COVID-19 pandemic has shown that a systemic and normalized violation of the right to health engenders the impairment of other human rights and liberties, such as the rights to travel, livelihood or work, education, and access to justice,” base sa petition for mandamus.
Gusto rin umano ng mga petisyuner na atasan ang gobyerno na ilabas ang tama at kumpletong impprmasyon sa situwayon ng CoVID19 sa Pilipinas.
“Without accurate and timely information on the extent of community transmission of COVID-19, the government lacks proper grounds for any policy pronouncement. These irregularities lessen the confidence of the public in the ability of the DOH (and government in general) to deal with the pandemic with transparency and integrity,” dagdag pa sa petisyon.
Kabilang sa mga petisyuner sina dating
social welfare secretary Judy Taguiwalo, kumakatawan sa senior citizens, medical doctors, scientists, the LGBTQIA community, migrant workers, students, teachers, jeepney drivers, frontline workers, professionals at homemakers.
Habang ang mga respondents sa petition sina Health Secretary Francisco Duque III, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, Transportation Secretary Arthur Tugade, Budget Secretary Wendel Avisado, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Labor Secretary Silvestre Bello III, pawang nasa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Gayundin kasama si Peace process chief Carlito Galvez Jr., chief implementer ng national action plan against COVID-19 bilang respondent. (GENE ADSUARA)
-
NO ONE IS SAFE AS GHOSTFACE RETURNS IN THE ALL-NEW “SCREAM”
GHOSTFACE is back and it’s scary as ever. Watch the featurette that’s just been released by Paramount Pictures and discover what brings the legacy and new cast together in the all-new horror thriller Scream, coming to Philippine movie theatres January 2022. YouTube: https://youtu.be/j2zJEwVTT6g [Check out the film’s trailer at https://youtu.be/i3sXCxPaRl0] About Scream […]
-
DINGDONG, binahagi ang nakaka-touch na birthday letter para kay ZIA at video ng kanilang jamming
NAKAKA-TOUCH ang IG post ni GMA Primetime King Dingdong Dantes para sa unica hija niya na si Zia Dantes na nag-celebrate ng 6th birthday last November 23. Idinaan uli ni Dingdong sa isang punum-puno ng damdamin na letter para sa panganay nila ni Marian Rivera-Dantes dahil wala nga siya sa kaarawan ng anak […]
-
Dating Finance Secretary Roberto de Ocampo, kumbinsidong hindi natutulog sa pansitan ang administrasyong Marcos para mapalakas ang ekonomiya
KUMBINSIDO si dating Department of Finance (DoF) Secretary Roberto de Ocampo na may ginagawang mga hakbang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging malakas at tuloy- tuloy ang takbo ng ekonomiya ng bansa. Sinabi ni de Ocampo, nakikita niyang nagsusumikap ang administrasyong Marcos para matiyak na may trabaho ang mga tao habang naghahanap […]