• March 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EDSA Busway at MRT 3 patuloy ang maayos na operasyon

Sa kabila ng naiulat na pagbigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA simula ng mga nakaraang Linggo, nananatili pa ring maayos ang operasyon ng EDSA Busway at MRT-3.

 

Simula nang pansamantalang itigil ang Libreng Sakay sa ilalim ng Service Contracting Program, tinatayang nasa mahigit 100,000 pa rin ang naitatalang average ridership ng EDSA Busway ngayong buwan ng Hulyo.

 

Ayon sa monitoring ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), higit 300 na pampasaherong bus ang bumibiyahe sa EDSA Busway araw-araw, at inaasahang madaragdagan pa ang kanilang bilang upang matugunan ang passenger demand sa naturang ruta.

 

Nananatili namang mabilis ang travel time para sa mga commuters at pampasaherong bus na bumabagtas sa EDSA Busway. Noon, kung inaabot ng 3-4 na oras ang biyahe ng bus mula Monumento hanggang PITX, ngayon dahil sa EDSA Busway, umaabot na lamang ito sa 45 minuto hanggang isang oras.

 

Dahil dito, patuloy na hinihikayat ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Secretary Art Tugade, at ng LTFRB ang publiko na gamitin ang EDSA Busway, upang makatulong sa pagbabawas ng bilang ng mga sasakyan sa kalsada, at pagbigat ng daloy ng trapiko sa EDSA, lalo na tuwing rush hour.

 

Hinihikayat rin ng DOTr at LTFRB ang publiko at mga private vehicle owners na patuloy na gamitin ang MRT-3 kung sila ay babiyahe sa kahabaan ng EDSA.

 

Ang MRT-3 ay patuloy na nakakapagbibigay ngayon ng mas maganda, mas maayos, at mabilis na serbisyo sa ating mga commuter. Inaasahang mas gaganda pa ang serbisyo nito oras na matapos ang massive rehabilitation and maintenance na isinasagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy mula sa bansang Japan sa December 2021.

 

Bukod dito, inaasahang maibabalik na rin ang Service Contracting Program sa ilalim ng regular budget ng gobyerno upang mabigyan ng insentibo ang mga Public Utility Vehicles (PUV) na magbigay ng ginhawa sa mga pasahero sa pamamagitan ng Libreng Sakay.

 

Antabayanan ang iba pang anunsyo ng DOTr,  LTFRB, at MRT-3 kaugnay ng Service Contracting Program, MRT-3, EDSA Busway,  at iba pang impormasyon patungkol sa iba pang programa ng ahensya.

 

 

Sa kabilang dako, Sa nakaraang panayam kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos kanyang sinabi na kahit na dumami na ang dami ng mga sasakyan, sa ngayon naman ay gumagalaw ng mabilis ang trapiko kumpara noong bago pa magkaron ng pandemya.

 

 

“In terms of speed, the vehicles are faster, compared to before. The cars are now at 24 kilometers per hour, while before, cars ran at 11 kilometers per hour,” wika ni Abalos. (LASACMAR)

Other News
  • Ads August 10, 2020

  • 2 sa People’s Balita, nanumpa kay PCO Secretary Chavez

    ISANG malaking karangalan sa pamunuan ng Alted Publications, ang naglalabas ng mga isyu ng People’s Balita, isang national-tabloid newspaper kung saan isang Editorial Consultant at Reporter nito na mga opisyal ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) ang kabilang sa nanumpa sa harapan ng Presidential Communication Office (PCO) Secretary Cesar Chavez sa Malacanang.     […]

  • Karate champ Orbon guest ng TOPS

    MAINIT na diskusyon ang bubungad sa buwan ng Nobyembre sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa pagbisita ng karate, horseracing at wheelchair basketball sa 19th “Usapang Sports on Air” via Zoom bukas (Thurday).   Mangunguna sa mga panauhin ng TOPS sina Fil-Am karate champion Joane Orbon at Karate Pilipinas and Association for the Advancement […]