Karate champ Orbon guest ng TOPS
- Published on November 6, 2020
- by @peoplesbalita
MAINIT na diskusyon ang bubungad sa buwan ng Nobyembre sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa pagbisita ng karate, horseracing at wheelchair basketball sa 19th “Usapang Sports on Air” via Zoom bukas (Thurday).
Mangunguna sa mga panauhin ng TOPS sina Fil-Am karate champion Joane Orbon at Karate Pilipinas and Association for the Advancement of Karatedo (AAK) president Richard Lim sa public service program na sisipa sa ganap na ika-10 ng umaga.
Tatalakayin ni Orbon ang kanyang plano at preparasyon sa Tokyo Olympics qualifying events, Southeast Asian Games sa Vietnam at iba pang international competitions sa susunod na taon.
Makakasama rin sa balitaktakan sina Philippine Racing Club, inc. (PRCI) racing manager Antonio B. Alcasid Jr. at Philippine Wheelchair basketball head coach Vernon Perea.
Inaanyayahan ni TOPS Prexy Ed Andaya ang lahat ng opisyal, miyembro at kaibigan sa sports community na dumalo sa weekly forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB).
Binubuo ang TOPS ng sports editors, reporters at photographers ng pangunahing national tabloids at blogger-friends.
-
Basketball rings sa QC, pinagbabaklas
DAHIL sa paglaganap ng coronavirus o COVID-19 sa bansa ay pinatanggal na ni Mayor Joy Belmonte ang mga basketball ring sa iba’t ibang barangay sa Quezon City. “Tinanggal ng mga punong barangay namin ang lahat ng mga basketball ring sa covered courts para siguradong hindi sila mag-basketball at kung ano pang mga hindi nila […]
-
Pilipinas, maaaring makamit ang ‘upper middle-income status’ sa 2025
INIHAYAG ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na malamang na maabot ng Pilipinas ang target nitong maging upper middle-income economy sa 2025. Sa kanyang unang State of the Nation Address noong Hulyo, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hinahanap ng kanyang administrasyon na dalhin ang Pilipinas sa “upper-middle income status by 2024” […]
-
15 na ang patay pati suicide bomber, halos 80 na sugatan sa twin bombings sa Jolo, Sulu
Binulabog ng dalawang magkasunod na malakas na pagsabog ang Jolo, Sulu. Ayon sa mga otoridad unang sumabog ang isang bomba dakong alas-11:58 ng umaga sa Brgy. Walled City, Jolo. Iniulat naman ng PNP na ang ikalawang pagsabog ay naganap pagsapit ng ala-1:00 ng hapon na hindi lamang kalayuan sa unang explosion (100 meters) […]