• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte may sorpresa kay Diaz

Malaking halaga ang balak na ibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay 2021 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na aabot sa milyon-milyon piso, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

 

 

Ayon kay Roque, iuukit sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan ni Hidilyn at nangako si Duterte na magbibigay ng milyon-milyong piso sa sinumang makakapagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas.

 

 

Pero tumanggi si Ro­que na tukuyin ang eksaktong halaga dahil posible pa aniya itong tumaas na karapat-dapat aniyang ibigay kay Hidilyn.

 

 

Sinabi rin ni Roque na kung ano man ang pagkukulang (sa suporta) noong nagti-training pa si Hidilyn ay tiyak na mababawi dahil sa ibibigay ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

 

 

Idinagdag ni Roque na hindi mababayaran ng salapi ang tagumpay ni Hidilyn at sasamahan ng gobyerno ng pabuya ang kanilang pagbati sa kauna-unahang Filipina na nag-uwi ng gintong medalya mula sa Olympics.

Other News
  • LGus, kasama na sa A4 priority list na matuturukan ng covid 19 vaccine

    KASAMA na ang mga opisyal ng local government units (LGU) sa “A4” priority na matuturukan ng Covid-19 vaccine.   Makakasama ng mga ito sa priority list ang iba pang frontline personnel sa essential sectors kabilang na ang uniformed personnel at nasa working sectors.   “A4 po ata ha, but I could be wrong, pero kasama na sila […]

  • Kahit natuldukan na sa post ang pagsuporta: KC, inuudyukan na umuwi para makatulong sa campaign ng LENI-KIKO tandem

    KUNG iniisip man siguro ng karamihan na tila walang pakialam o suporta si KC Concepcion sa kampanya ng kanyang “dad” o step-father na si Senator Kiko Pangilinan sa pagka-Bise Presidente, sa isang Instagram post lang niya ay tila natuldukan na ito agad.     Marami ang natuwa base sa nababasa naming comments sa pagpu-post ni […]

  • Nasimulan at ipinaglalaban ni Cong. ALFRED, ipagpapatuloy ni Konsehal PM

    NAGSUMITE na ng Certificate of Candidacy ang kapatid ni Congressman Alfred Vargas na si Konsehal PM Vargas sa pagka-kongresista ng 5th District ng Quezon City nitong Lunes, Oktubre 4.     Sinamahan ni Alfred ang kapatid at masayang-masaya niyang ibinalita na lahat ng sinimulan niya sa kanilang distrito ay ipagpapatuloy ni PM.     Aniya, “I […]