• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LOCKDOWN SA MAYNILA, PINAGHAHANDAAN

NAGHAHANDA na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang posibleng pagpapatupad ng lockdown sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa.

 

 

Nagpatawag ng emergency meeting si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kasama si Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan at iba pang  local government health officials upang talakayin kung paano mapagaan ang pagkalat ng Delta variant.

 

 

Inatasan ng alkalde ang  Manila Disaster and Risk Reduction Management Office, Manila Barangay Bureau, at  Manila Police Department na alertuhin ang kanilang tauhan sakaling kakailanganin ang granular lockdown.

 

 

Nakipag-ugnayan na rin ang alkalde sa anim district hospitals, Manila COVID-19 Field Hospital at Manila Health Department sakaling may panibagong surge ng kaso ng  COVID-19

 

 

“Ayaw na nating marinig na may mga namatay sa parking lot dahil wala nang space sa ospital. Grabeng dagdag pasakit ‘yun,” pahayag ni  Domagoso .

 

 

“Kaya ngayon na may Delta variant, it’s a good thing that we have a facility that can serve the public. Welcome po ang lahat dito,” dagdag na pahayag pa ng alkalde

 

 

Sinabi ni Domagoso na ang Mania LGU ay magpapatuloy upang mapigilan ang posibleng pagtaas ng impeksyon ng COVID-19 sa mga residente.

 

 

“The City of Manila has actually been preparing for the worst case scenario over the past few months. Kahit nung hindi pa nagka-surge, we have kept on adding to our quarantine facilities and other resources in response to the pandemic. Hindi talaga dapat maging kampante,” ayon pa kay Domagoso

 

 

Ngayong Miyerkules hanggang alas 12 ng tanghali,  nasa 642 active cases at 66,582 recoveries ang naitala.

 

 

Ang anim na  district hospitals ay kasaukuyang nasa  32%  ang bed capacity occupancy rate; 65% bed capacity occupancy rate para naman sa  Manila COVID-19 Field Hospital; at  9% occupancy rate para sa  COVID-19 quarantine facility. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

 

Other News
  • Malakanyang, ipinatupad ang kautusan ng Ombudsman na suspendihin ang mga opisyal ng ARTA

    IPINATUPAD ng Malakanyang ang naging kautusan ng Office of the Ombudsman na ilagay sa anim na buwang preventive suspension ang mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).     Isang  memorandum na may petsang Hunyo 7 at nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagbibigay atas kay ARTA Deputy Director-General for Administration and Finance , […]

  • TV REPORTER na si Jay Ruiz, bagong PCO Sec- Chavez

    KINUMPIRMA ni outgoing Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez na ang TV reporter na si Jay Ruiz ang papalit sa kanyang iiwanang posisyon. Sa katunayan, kinausap na niya si Ruiz hinggil dito. Ipinaalam niya rito na ipakikilala siya sa PCO Mancom, sa darating na Lunes, Pebrero 24 upang sa gayon ay masimulan na niya […]

  • Magkapatid na paslit patay sa sunog sa Caloocan

    NASAWI ang isang 7-anyos na batang babae at kanyang 2-anyos na kapatid na lalaki sa naganap na sunog na tumupok sa 15 kabahayan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Ang sunog na katawan ng mga biktimang sina Jumina Jean Corado at kanyang kapatid na si Brix Tyler, na unang iniulat ng kanilang […]