• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso nais ang ika-3 panalo

SINIMULAN na kahapon ni Yuka Saso ang kampanya sa ¥112.5M 52nd Japan Women’s Open Golf Championship sa The Classic Golf Club sa Fukuoka Prefecture buhat 10 araw na sapat na pahinga, paglilimayon at pamimili.

 

Puntirya ng 19-anyos, may 5- 5 na taas na Fil-Japanesena dalagang tubong San Ildefondo, Bulacan, na higitan ang ika-13 puwesto sa una niyang Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Tour major sa Okayama para sa posibilidad na ikatlong panalo sa rookie professional career.

 

Mabibigat lang ang kalaban ng money race, scoring leader at Player of the Year frontrunner Philippine ace sa pang-anim niyang torneo buhat noong Hunyo sa mayamang sport circuit sa kontinente tapos makasalamuha din sa mga kapatid sa Tokyo.

 

Ilan sa mga astig na karibal ni Saso ay sina Golf5 Ladies runaway winner Sakura Koiwai at Descente Ladies champion Ayaka Furue, multi-titled Ai Suzuki at United States LPGA Tour campaigners Momoko Ueda at Mamiko Higa, Earth Mondahmin Cup winner Ayaka Watanabe at iba pa. (REC)

Other News
  • Lopez, 25 iba pa babanat sa Asian taekwondofest

    PANGUNGUNAHAN nina 2016 Rio de Janeiro Olympian Kirstie Elaine Alora at 2018 Indonesia Asian Games bronze medalist Pauline Louise Lopez ang 26 na manlalaro ng Philippine Taekwondo Association Team na aalis ng bansa sa Huwebes upang sumali sa 24th Asian Taekwondo Championships sa Hunyo 14-17 sa Beirut, Lebanon.     Nabatid kay national coach Dindo […]

  • “Structurally complete” na ang northbound section ng Skyway Extension

    Ang northbound section ng Skyway Extension ay “structurally complete” na at ang kulang na lamang ay ang paglalagay ng aspalto na gagawin sa katapusan ng buwan.     Ito ang sinabi ni SMC president Ramon Ang sa isang pahayag na inilabas ng San Miguel Corp.     “I’m happy to announce that soon, we can […]

  • Ads April 29, 2023