• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy boxer Eumir Marcial, agad pinagbagsak ang Algerian foe sa 1st-rnd, pasok na sa quarterfinals

Hindi na pinatagal ni Eumir Marcial ang laban at agad na tinapos sa pamamagitan ng technical knockout o referee-stopped-contest (RSC) sa unang round pa lamang sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.

 

 

Sa pagsisimula pa lamang ng laban sa loob ng isang minuto ay pinabagsak ni Marcial si Younes Nemouchi ng Algeria dahilan para bilangan ito ng refereee ng eight count.

 

 

Ang sumunod na pangyayari ay pumagitna ang referee nang magkaroon ng accidental headbutt ang dalawa at dumugo ang taas ng kanang mata ng Algerian.

 

 

Sa huli itinigil ng referee ang laban sa oras na 2:41 minuto sa opening round.

 

 

Kung maalala bago pa man umakyat ng ring ay marami na ang humuhula kay Marcial na aabot ito ng finals lalo na at sumabak na rin ito sa professional fight noong buwan ng Disyembre sa ilalim sa Hall of Famer trainer na si coach Freddie Roach doon sa Los Angeles, California.

 

 

Bunsod ng panalo ni Eumir, uusad na siya sa quarterfinals at makakaharap ang Armenian star na si Arman Darchinyan sa August 1 sa 69-75 kg division.

 

 

Kung sakaling manalo pa si Marcial ay sigurado na ang bronze medal upang sundan din ang yapak ni Nesthy Petecio na tiyak na rin ang bronze medal.

 

 

Kung maalala si Petecio ay lalaban na sa Sabado sa semifinals.

 

 

Sinasabing ang kalaban ni Marcial ay pamangking lalaki ng dating world champion na si Vic Darchinyan.

Other News
  • Gobyerno, palaging handang tulungan ang mga mamamayan at health front-liners sa Region 12 (Soccsksargen) at BARMM

    TINIYAK ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga mamamayan at health front-liners sa Region 12 (Soccsksargen) at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na palaging handa ang pamahalaan na tugunan ang kanilang pangangailanan sa gitna ng pandemiya.   Sa ginawang monitoring visit si Go sa nasabing lugar, araw ng Biyerne ay siniguro […]

  • 7 milyong Pinoy na ang bakunado

    Mahigit sa 7 milyon na ang nakatanggap ng bakuna kontra sa COVID-19 sa bansa.     Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa pagdinig ng Committee of the Whole (COW) sa Senado na 7,045,380 dose ang naibigay mula Marso 1 hanggang Hunyo 14.     Habang nakumpleto ang dalawang dose ng bakuna ng […]

  • De Lima binanatan ‘wasak’ na katarungan sa bansa sa ika-2,000 araw sa selda

    UMABOT  na sa 2,000 araw sa pagkakabilanggo si dating Sen. Leila de Lima matapos arestuhin sa patung-patong na drug charges sa kabila ng pagbaliktad ng mga tumestigo laban sa kanya — dahilan para tawagin niyang “broken” ang sistema ng katarungan sa Pilipinas.     Kilalang kritiko ng extrajudicial killings at human rights violations sa ilalim […]