Petecio sisiguro ng bronze medal
- Published on July 30, 2021
- by @peoplesbalita
Inaasahang magiging inspirasyon kay featherweight Nesthy Petecio ang pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic Games gold medal ng Pilipinas.
Nakatakdang labanan ngayong araw ni Petecio si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia sa quarterfinals ng women’s 54-57 kilogram division sa Olympic boxing competitions sa Kokugikan Arena.
Makikipagbasagan ng mukha si Petecio, nagreyna noong 2019 World Boxing Championships, kay Castaneda para sa bronze medal sa ganap na alas-10 ng umaga (Manila time).
Sakaling talunin ni Petecio si Castaneda, ang bronze medalist noong 2019 Pan American Games, ay dalawang panalo pa ang kailangan niya para makamit ang ikalawang Olympic gold ng bansa.
“We will look at the videos of her fights here,” sabi ni Don Abnett, ang Australian coach ni Petecio, sa Colombian pug. “We know her next opponent will be tough, but we’re very confident.”
Umiskor si Petecio ng 3-2 panalo laban kay top seed at World No. 1 Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei para umabante sa quarterfinals.
Isang 5-0 pagdomina muna kay Marcelat Sakobi Matshu ng Congo ang inilista ng tubong Santa Cruz, Davao del Norte sa round-of-32.
-
NBI, posibleng pumasok na rin sa imbestigasyon sa umano’y ‘tongpats system’ sa DA – DoJ
Nakahanda raw ang Department of Justice (DoJ) na imbestigahan ang kontrobersiya sa “tongpats sytem” sa Department of Agriculture (DA). Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon ay kinakailangan lamang na makakuha sila ng mga impormasyon hinggil sa sinasabing tongpats o suhulan sa DA partikular sa meat importation. Tinitiyak ng kalihim […]
-
3-araw tigil-pasada ikinasa uli ng Manibela
NAGKASANG muli ng tatlong araw na tigil-pasada ang transport group na Manibela sa susunod na linggo. Nabatid na isasagawa ng grupo ang transport strike mula Hunyo 10 hanggang 12 bilang protesta sa isinasagawang paghuli sa mga public utility jeepneys (PUJs) na hindi nakapag-consolidate ng prangkisa sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization […]
-
‘Di lang eeksena bilang host ng ‘The 6th EDDYS’: PIOLO, gagawaran din ng Isah V. Red Award kasama sina HERBERT at COCO
SIGURADONG mas lalong magniningning ang Gabi ng Parangal para sa gaganaping 6th Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS ngayong 2023. Dahil ang award-winning actor at tinaguriang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual ang magsisilbing host sa ika-anim na edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Hindi ito ang unang pagkakataon […]