• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR may ‘community transmission’ na ng Delta variant

May nagaganap nang ‘community transmission’ ng Delta va­riant sa National Capital Region (NCR) base sa mga bagong datos, ayon sa OCTA Research.

“We understand ang Department of Health, sila ang official body, kino-confirm nila ito through genome sequencing. We’re an independent group, (and) we can say based on statistics, based on sampling, yung nakita nating Delta variant cases, tumataas na sa 25 percent. Dati, nasa 15 percent,” ayon kay OCTA fellow Prof. Guido David.

Base dito, maaaring may 300 bagong kaso ng Delta variant na sumusulpot na kada araw sa NCR.

“Kung 300 cases per day, masasabi natin talagang merong community transmission. In the interest of safety, kahit wala pang confirmation na community transmission, it’s better to assume na merong community transmission para magdoble ingat tayo,” katwiran naman ni David sa kanilang pagpapalabas ng babala sa publiko.

Sa pinakahuling datos ng DOH noong nakaraang Miyerkules, nasa 216 kaso na ng Delta variant ang natukoy sa bansa at 16 na lamang ang aktibo, walo ang nasawi at 192 ang ganap na nakarekober.

Idinagdag pa ni David na ang Delta variant na ang huling balakid na kailangang lusutan ng Pilipinas ngayong taon. Kapag mas marami na ang nabakunahan at nalagpasan ang Delta variant, inaasahan ang mas masayang mga buwan na darating matapos nito. (Daris Jose)

Other News
  • RFID DRIVE THRU, GAGAWIN SA MAYNILA

    DALAWANG araw na RFID drive-thru installation ang isasagawa sa Lungsod ng Maynila.   SA kanyang Facebook live, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na idaraos ito simula Oct.31 hanggang Nob.1 na gaganapin sa Kartilya ng Katipunan.   Magsisimula ito mula alas- 9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa nasabing petsa.   Gayunman, […]

  • Mas maraming tauhan, kailangan para i-monitor ang maritime schools-CHED

    SINABI  ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero de Vera III  na mas maraming tauhan ang kailangan para i-monitor ang  maritime institutions sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     Tinuran ni De Vera na nagpapatuloy ang evaluation o pagsusuri sa mga maritime school para  i-check kung sumusunod ang mga ito sa  standards kasunod […]

  • Ads September 26, 2022