• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PEKENG DENTISTA TIMBOG SA ENTRAPMENT

ISANG umano’y pekeng dentista ang arestado habang nagsasagawa ng dental procedure sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa loob ng kanyang clinic sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

 

 

Kinilala ni District Special Operations Unit of Northern Police District (DSOU-NPD) head P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Marian Meneses, isang insurance agent at residente ng 804 Heroes Del 96 Brgy. 73 Zone 7 Caloocan City.

 

 

Ang kaso ay nagmula sa reklamo na isinampa sa opisina ni NPD Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr. ng Philippine Dental Association (PDA) kasunod ng impormasyon na natanggap hinggil sa illegal practice na ginagawa ni Meneses sa loob ng kanyang bahay na nagsilbi bilang dental clinic.

 

 

Inatasan ni BGen. Hidalgo si Lt. Col. Dimaandal na alamin ang reklamo at matapos makumpirma ang ulat ay isang entrapment operation ang ikinasa ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Lt. Melito Pabon dakong alas-11:15 ng umaga, kasama ang isang dentista mula sa PDA na si Dr. Narisa Ragos na umaktong poseur-patient.

 

 

Habang sa aktong nasa dental procedure kay Dr. Ragos, kasama ang isang police decoy, isang pre-arranged signal ang natanggap ni Lt. Pabon at kanyang mga tauhan na nagresulta sa pagkakaaresto kay Meneses.

 

 

Nakumpiska ng mga pulis sa suspek ang ilang dental materials katulad ng upper impression tray, alginate impression, alginate powder, plasterspatula, mouth mirror at record chart.

 

 

Nabigo rin ang suspek na magpakita ng mga ligal na dokumento upang mapatakbo ang kanyang dental clinic tulad ng certificate of registration, professional identification card at iba pa at sa halip ay nagpasya itong manahimik.

 

 

Kasong paglabag sa R.A 9484 otherwise known as The Philippine Dental Act of 2007 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • PBA legend Chito Loyzaga napiling chef de mission ng 32nd SEA Games

    NAPILI  bilang maging chef de mission ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ang beteranong PBA player na si Chito Loyzaga.     Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, na makakasama nito si sambo association Paolo Tancontian at canoe-kayak head coach at international technical official Leonora “Len” Escollante bilang magiging […]

  • DUTERTE: TALAMAK PA RIN ANG KORUPSYON SA DPWH

    MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na talamak pa rin ang korupsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang public address kagabi matapos ang meeting sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF).   Sinabi ni Pangulong Duterte, […]

  • PAGBABA NG KASO NG COVID WALA PANG SENYALES

    HINDI  pa nakikitaan ng pagbaba ng mga kaso  ng COVID-19 sa Pilipinas at ang mas mababang bilang ng impeksyon na naitala nitong Martes ay dahil sa mababang testing output, ayon sa Department of Health (DOH).     Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque na galing ang output sa ginawang testing noong Linggo kung saan karaniwang […]