• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isko at Honey naghanda vs Delta variant

Upang mapigilan ang pagdami at paglawak pa ng mga posibleng dapuan ng COVID-19 Delta variant ng COVID-19 ay puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ito.

 

 

Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya ng personal ang sinserong ginagawang hakbang ni Yorme Isko at Vice Mayor Honey upang hindi na kumalat pa ang Delta variant sa mga residente sa lungsod.

 

 

Sinabi ni Bagatsing, lahat ng precautionary mea­sure ay ginagawa ni Yorme at Honey bago pa lang ang pagbabalik ng ECQ sa Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang 20.

 

 

“The anticipated actions of Yorme Isko and Honey Lacuna will ensure that Manila is prepared to slow the spread of the COVID Delta variant. The Luneta field hospital, the free drive-thru covid testing, and having vaccinated almost a million Manileños will keep the delta variant from spreading faster than expected,” pahayag ni Bagatsing.

 

 

Aniya, maraming nagtaka kung bakit pa nagtayo ng field hospital sa Luneta noong nakalipas na buwan noong panahon na bumababa na ang mga kaso ng COVID ngunit ngayon ay nakita na ang pangangailangan hinggil dito.

 

 

Inihayag pa ni Bagatsing na masakit ang lockdown para sa mga residente, negosyo, at ekonomiya, pero kapag maagapan ito ay posibleng wala nang COVID sa Pasko.

 

 

Inihayag pa ni Bagatsing na masakit ang lockdown para sa mga residente, negosyo, at ekonomiya, pero kapag maagapan ito ay posibleng wala nang COVID sa Pasko. (Gene Adsuara)

Other News
  • Pacquiao kakasuhan ang dating malapit na kaibigan dahil daw sa pag-imbento ng mga kuwento

    Sasampahan ng kampo ni Senator Manny Pacquiao ng kasong cyber libel at estafa and dating kaibigan nito na si Jayke Joson dahi sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon.     Ayon sa legal counsel ng senador na si Atty. Nikki de Vega na inihahanda na nila ang kaso laban kay Joson.     Dagdag pa […]

  • Halos 100-K indibidwal isinailalim sa pre-emptive evacuation sa ‘Bagyong Odette’ – NDRRMC

    Nasa 26,430 pamilya o 98,091 indibidwal na ang isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa bagyong “Odette” mula sa apat na rehiyon.     Ayon kay NDRRMC Operations Center Chief Jomar Perez, pinakamarami sa mga ito ay ang mula sa CARAGA region na bumibilang ng mahigit 78,000 kasunod ang Region 8 na nasa mahigit 17,000; Region […]

  • PDU30 hinikayat ang mga survivors ng bagyong Odette na huwag gamitin sa bisyo ang cash aid mula sa gobyerno

    HINIKAYAT President Rodrigo Roa Duterte ang mga survivors ng bagyong Odette na umiwas at huwag gamitin ang cash assistance ng gobyerno sa bisyo.   Ang mga low-income residents ng mga lugar na hinagupit ng bagyong Odette ay makakakuha ng P1,000 na cash aid mula sa national government. Hanggang 5 miyembro ng pamilya ang makakakuha ng […]