Isang tao lang ang papayagang lumabas kada pamilya kapag nagsimula na ang two-week ECQ sa MM- Padilla
- Published on August 4, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr. na isang tao lamang sa kada pamilya ang papayagan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa oras na magsimula na ang two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ito’y habang hinihintay pa ang guidelines na gagamitin sa paparating na two-week ECQ na magsisimula sa Agosto 6 hanggang 20, 2021.
“Simula ng ECQ, maaaring isa lang ang hahayaang lumabas para makakuha ng pangangailangan sa kanilang mga bahay,” ayon kay Padilla sa Laging Handa public briefing.
“Ang ating hinahangad na limitahan muna ang paggalaw ng ating mga kababayan nang sa ganon ang transmission ng bagong mutation ng COVID-19 ay mapigil,” aniya pa rin.
Nauna rito, ilalagay sa mas mahigpit na ECQ classification ang Metro Manila mula sa Agosto 6 hanggang 20, 2021 dahil sa banta ng Delta coronavirus variant.
Subalit, simula muna sa July 31 hanggang Agosto 5, nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “subject to heightened and additional restrictions” ang Metro Manila.
“No need for panic buying because we have one week to prepare,” sabi pa ng opisyal.
Tiniyak din ni Roque na makatatanggap ng pinansiyal na ayuda ang mga maaapektuhang manggagawa.
Kaugnay nito, sinabi ni Padilla na ang guidelines hinggil sa cash aid, public transportation, at galaw ng mga tao sa panahon ng two-week lockdown period ay ipalalabas bago pa magsimula ang ECQ.
Sa ilalim ECQ, tanging ang mga essential trips at services lamang ang pinapayagan habang sa ilalim naman ng GCQ “with heightened restrictions” at additional restrictions protocol ay ipinagbabawal naman ang indoor at al fresco dining.
Ang desisyon na magpatupad ng “strictest quarantine mode” ay tugon sa apela ng Metro Manila Council, kinabibilangan ng Metro Manila mayors, nang makipagpulong ito sa inter-agency COVID-19 task force ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng “stricter measures” sa rehiyon. (Daris Jose)
-
MAINE, hinahamon na kumanta ng 25 songs na inayos na ng EB Shy Singer
MISS na ng mga fans at ilang araw nang hindi napapanood si Phenomenal Star Maine Mendoza sa daily noontime show na Eat Bulaga. Tinatapos muna kasi ni Maine ang taping ng ilan pang episodes ng kanyang bagong show na #MaineGoals for Cignal TV and APT Entertainment na napapanood sa BuKo Channel, na sinusubukan […]
-
Kelot nahulog sa bubong, patay
Todas ang isang 24-anyos na lalaki matapos mahulog mula sa bubong ng isang warehouse makaraang tumilapon nang sumabog ang transformer sa poste ng meralco sa Malabon city, kahapon ng umaga. Kinilala ang nasawing biktima na si Jonathan Constantino, 24, plumbing at residinte ng No.212 B. Enriquez St., Brgy. Panghulo, Ubando Bulacan. […]
-
Ads October 23, 2021