• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot nahulog sa bubong, patay

Todas ang isang 24-anyos na lalaki matapos mahulog mula sa bubong ng isang warehouse makaraang tumilapon nang sumabog ang transformer sa poste ng meralco sa Malabon city, kahapon ng umaga.

 

 

Kinilala ang nasawing biktima na si Jonathan Constantino, 24, plumbing at residinte ng No.212 B. Enriquez St., Brgy. Panghulo, Ubando Bulacan.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Jovirth Labaton , 25, ng No.212 B. Enriquez St., Brgy. Panghulo, Ubando Bulacan na dakong 8:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Unican Compound No. 202 Gov. Pascual Ave., Brgy. Catmon, Malabon City.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, umakyat ang biktima at kanyang dalawang ka-trabaho sa bubong ng warehouse kung saan sila nagtatrabaho sa loob ng naturang Compound.

 

 

Matapos nito, bigla na lamang sumabog ang transfornmer sa poste ng meralco na naging dahilan upang tumilapon ang biktima dahil sa malakas na boltahe at mahulog mula sa bubong na nagresulta ng kanyang kamatayan.

 

 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • LTO: 101,889 sasakyan maaring marehistro kahit may NCAP violations

    MAKARAANG  mag-issue ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) sapagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP), ang Land Transportation Office (LTO) ay nagpahayag na kanilang papayagang marehistro ang mahigit sa 100,000 na sasakyang may violations sa ilalim ng NCAP.     May kabuuang 101,889 na sasakyan na may traffic violations mula sa tatlong lungsod […]

  • Ads June 21, 2023

  • ANDREW, labis-labis ang pasasalamat sa Diyos dahil naging maganda ang 2021 at looking forward ngayong 2022

    AMINADO ang sikat na rapper-comedian na si Andrew E na naging maganda ang kanyang 2021 kahit na marami pa rin ang apektado ng pandemya na dulot ng COVID-19 na sa pagpasok ng bagong taon ay tumaas na naman dahil sa Omicron variant.     Natanong kasi si Andrew kung ano ang assessment niya sa kanyang […]