• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-enroll para sa pasukan ngayong school year nasa 22.5-M na – DepEd

PUMALO na sa 22.5 million ang mga nag-enroll bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

 

Ayon kay DepEd USec. Tonisito Umali, ang naturang bilang ay 99.68 percent na bilang na nakuha mula sa school year 2019 -2020.

 

Aniya, nasa 2.5 hanggang 3.5 milyong estudyente naman ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020 – 2021.

 

Nasa 400,000 hanggang 450,000 daw ang nag-transfer mula private papuntang public school.

 

Kapag isasama naman ang mga naka-enroll sa private school nasa 24.72 milyon lahat ang kabuuang bilang.

 

Halos 90 percent na ito sa total number ng enrollees sa public at private schools mula naman sa 27.5 milyon noong nakaraang school year 2019- 2020. (Daris Jose)

Other News
  • DA umaapelang madagdagan ng hanggang P10-B ang kanilang 2022 budget

    Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na mapagbibigyan ang kanilang hiling na madagdan ng P8-10 billion ang kanilang P91-billion 2022 budget.     Ayon kay DA Asec. Noel Reyes, nakakalungkot para sa Pilipinas na mas malaki pa ang pondong inilalaan ng mga kalapit na bansa tulad ng Thailand at Vietnam sa kanilang agrikultura.     […]

  • Photo na pinost ni Heart, na-feature sa ELLE Australia

    ISA sa pinost na photo ni Heart Evangelista-Escudero sa social media ay na-feature sa pages ng ELLE Australia.   Suot ni Heart sa naturang photo ay plaid checkered coat dress at bitbit niya ang kanyang hand-painted Hermes bags.   Ginamit ang photo para sa article ng ELLE titled “What You Should Wear In 2020, Based […]

  • 3 panukalang batas, sinertipikahang urgent ni PDu30

    TATLONG panukalang batas ang sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte .   Ito ay ang Senate Bill No. 2094, Senate Bill No. 1156, at ang Senate Bill No. 1840.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bahagi ang tatlong bill na ito sa mga legislative reform agenda ng Duterte administration.   Aniya pa, ang […]