DA umaapelang madagdagan ng hanggang P10-B ang kanilang 2022 budget
- Published on November 23, 2021
- by @peoplesbalita
Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na mapagbibigyan ang kanilang hiling na madagdan ng P8-10 billion ang kanilang P91-billion 2022 budget.
Ayon kay DA Asec. Noel Reyes, nakakalungkot para sa Pilipinas na mas malaki pa ang pondong inilalaan ng mga kalapit na bansa tulad ng Thailand at Vietnam sa kanilang agrikultura.
Kung tutuusin ay ang Pilipinas pa nga ang nagturo sa naturang dalawang bansa sa pagsasaka pero sa ngayon ay mas maunld na ang mga ito.
Nabatid na ang P231 billion proposed 2022 budget ng DA ay binawasan sa P91 billion na lamang.
Ayon kay Reyes, kung maari ay madagdagan man lang ng kahit 5 percent ng national budget para mapondohan naman ang mga gastusin ng ahensya.
Ngayong mayroong pandemya, mas nakita pa nga ng taumbayan ang kahalagahan ng food security kaya marami sa mga tao ngayon ay naging “plantitos at plantitas” na.
-
Harden, tumanggi sa multi-million dollar extension deal ng Rockets; nais nang lumipat sa Nets?
Usap-usapan ngayon sa mundo ng basketball ang mistulang pahiwatig ni NBA superstar James Harden na ayaw na nitong maglaro sa Houston Rockets sa susunod na season. Ayon sa mga impormante, tinanggihan kasi ni Harden ang dalawang taong contract extension na alok ng Rockets, na umano’y nagkakahalaga ng $103 million o katumbas ng halos P5-bilyon. […]
-
Mayor Tiangco sa DepEd: Ipasa na ang lahat ng estudyante
NANAWAGAN si Mayor Toby Tiangco sa Department of Education (DepEd) na kung maari automatic ng ipasa ang lahat ng mga estudyante ngayong school year kasunod ng ulat ng sunod-sunod na bagong kaso ng Corona virus disease (COVID19) sa bansa. “Ang Department of Health ay naglabas ng isang update na nagsasaad na mayroon na tayong […]
-
6 robbery gang members napatay sa engkwentro vs PNP sa Rizal province
Patay ang anim na miyembro ng isang notorious holdup robbery group sa engkwentro laban sa mga pulis kaninang madaling araw sa may Sitio Boso-Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal. Ayon kay Col. Joey Arandia, hepe ng Antipolo City, sangkot ang mga suspek sa robbery hold up at carnapping sa CALABRZON, Metro Manila […]