DOLE NAGHAHANAP NG PONDO SA 2 LINGGONG QUARANTINE
- Published on August 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAGHAHANAP na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pondo upang matulungan ang mga manggagawang apektado ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Sinabi ni Labor Usec. Benjo Santos Bemavidez sa Laging Handa briefing na hindi pa natutukoy ng ahensya kung gagamitin nito ang available na badyet o humingi ng karagdagang pondo mula sa Department of Budget and Management.
Ang DOLE ay nauna nang namahagi ng tulong pinansyal sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya
Ipatutupad ang pinahigpit na restrictions simula August 6 hanggang 20 kung saan maraming mga manggagawa ang maaring hindi makapasok sa trabaho.
Ang National Capital Region ay isasailalim kasi sa enhanced community quarantine sa loob ng dalawang linggo .
Layon ng ECQ na mapigilan ang lalo pang pagtaas ng kaso ng COVID-19 na pinalalala ng Delta variant. GENE ADSUARA
-
PAGSISIYASAT SA DI PAGBABAYAD NG VENUE SA DEBATE, TINATAPOS NA
INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na matatapos ngayong linggo ang pagsisiyasat nito sa kabiguan ng kasosyo nito na magbayad sa hotel na ginamit bilang venue para sa presidential at vice presidential debate nito, sinabi ng isang poll official noong Linggo. Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na pinangunahan ni Commissioner Rey Bulay […]
-
18,271 puwesto sa gobyerno, pupunan sa midterm polls
INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na kabuuang 18,271 puwesto sa gobyerno ang nakatakdang punuan sa idaraos na National and Local Elections (NLE) sa Mayo 2025. Ayon sa Comelec, pangunahin sa mga naturang posisyon ay 12 sa pagka-senador, 254 na miyembro ng House of Representatives at 63 party-list representatives. Pupunuan din […]
-
Sinovac, inaasahang darating sa Pebrero 28- Malakanyang
INANUNSYO ngayon ng Malakanyang na inaasahan nilang darating na sa bansa sa araw ng Linggo, Pebrero 28 ang 600,000 doses na COVID-19 vaccines na dinonate ng China’s Sinovac Biotech. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kapag nangyari ito ay kaagad na ikakasa ang pag-rollout ng nasabing bakuna, kinabukasan, Marso 1. “Inaasahan na darating […]