• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KASO NG COVID SA PGH, TUMATAAS

PATULOY  ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Philippine General Hospital mula nitong nakaraang linggo.

 

Ayon ito kay PGH Spokesperson Dr Jonas del Rosario, kung saan hanggang kahapon, Linggo ay umabot sa  143 ang  COVID-19  pasyente na naadmit mula sa 250 beds.

 

‘ Ang naitala po namin kahapon , ito po yung biggest so far 143  na considering natapos na yung surge  nung March pero  ito na po parang paakyat po siya, actually 2 days ago 125 lang eh…[tas] kahapon 143 na, so talagang consistent po na talagang umaakyat ang ating admissions.’

 

Sinabi ni del Rosario na sa loob ng sampung araw ay patuloy ang pagtaas ng admission.

 

Ayon pa sa tagapagsalita ng PGH, na karamihan sa mga healthcare workers ay fully vaccinated na ay mild at moderate at na-admit rin sa ospital .

 

Pinapalagay  aniya na ang mga kaso ay  Delta variants.

 

‘Para di mahawa  ang healthcare workers at makahawa  sila, tinaasan po ang level ng personal protective equipment para  mas protektado sila.’ pahayag ni del Rosario. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • DOLE tiniyak tulong sa PWDs na nawalan ng trabaho

    Nakahanda ang labor department na tulungan na muling makabangon ang mga persons with disabilities (PWDs) na nawalan ng trabaho dulot ng pandemyang Covid-19.     Ganito ang kaso ng 20 PWDs sa General Santos City na nakatanggap ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) rice retailing starter kits na nagkakahalaga ng P400,867 mula sa General Santos […]

  • PAGCOR, KLINARO ANG ISYU NG KIDNAPPING

    NILINAW ng Philippine Gaming Corporation o PAGCOR  na walang anumang criminal activities o kidnapping na nangyari sa mga POGO workers o offshore licensing industry nitong huling tatlong buwan.     Ito ay bunsod sa ilang misinformation sa Senate hearing hinggil sa kidnapping incident.     Ayon sa PAGCOR,nakatutok ito sa imbestigasyon sa kaso na sangkot […]

  • 7 drug suspects timbog sa P1 milyon shabu sa Malabon, Navotas at Valenzuela

    KALABOSO ang pitong drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela, Malabon Navotas Cities.     Sa ulat ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug […]