• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGCOR, KLINARO ANG ISYU NG KIDNAPPING

NILINAW ng Philippine Gaming Corporation o PAGCOR  na walang anumang criminal activities o kidnapping na nangyari sa mga POGO workers o offshore licensing industry nitong huling tatlong buwan.

 

 

Ito ay bunsod sa ilang misinformation sa Senate hearing hinggil sa kidnapping incident.

 

 

Ayon sa PAGCOR,nakatutok ito sa imbestigasyon sa kaso na sangkot ang Brickhartz technology, patunay na hindi nila  binabalewala ang mga ganitong klase ng report gayundin para masiguro na sumusunod sa batas ang mga gaming licensees.

 

 

Tiniyak din ng PAGCOR  sa publiko na handa silang kanselahin ang lisensya at accreditation ng mga lumalabag sa batas kung kinakailangan.

 

 

Nagpasalamat  din ang PAGCOR  sa Senado sa pagbibigay sa kanila ng oportunidad  na klaruhin ang ilang mga bagay na may kinalaman sa offshore gaming license operations. GENE ADSUARA

Other News
  • DA, pinalakas ang pagsisikap kontra agri goods wastage

    PINAIGTING ng  Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito npara masiguro na mayroong  zero sa  minimal wastage para sa  agricultural commodities sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ng DA na palalakasin nito ang ugnayan sa mga  industrial buyers para tulungan ang mga producers na maka-secure ng merkado para sa  kanilang produksyon.     […]

  • 5 milyong doses ng Pfizer vaccine na gagamitin sa Resbakuna Kids, paparating ngayong buwan – Galvez

    INAASAHANG darating ngayong Pebrero ang nasa limang milyong Pfizer vaccine na gagamitin sa mas pinalawig ng pagbabakuna sa mga kabataang may edad na 5 hanggang 11 na nagsisimula na ngayon at sisimulan na rin sa Region 3 at 4- A.     Ito ang iniulat ni NTF against COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. […]

  • 2 bagong State-of-the-Art Buildings sa Valenzuela, itatayo na

    SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang pagtatayo ng bago at modernized na Finance Center Building at Legislative and People’s Center Building kasunod ng isinagawang groundbreaking ng mga ito bilang sagot sa mga umiiral na isyu sa city hall.     Ayon kay Mayor Gatchalian, napanssin niya ang […]