• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn Diaz nagpasalamat kay Nesthy Petecio sa dangal na inuwi nito para sa Phl

Nagpaabot ng kanyang pagbati si Hidilyn Diaz kay Nesthy Petecio matapos na makasungkit ng silver medal ang naturang Pilipinang boksingero sa women’s featherweight division sa Tokyo Olympics.

 

 

Ang panalo ni Petecio ang ikalawang medalya ng Pilipinas sa Summer Games kasunod nang gold medal finish ni Diaz sa women’s weightlifting.

 

 

Pinuri ni Diaz ang silver medal finish ni Petecio, at sinabi rin na ang Pinay boxer ang panalo sa puso ng lahat ng mga Pilipino.

 

 

Nagpasalamat din ito kay Petecio dahil sa dangal na ginawa nito para sa Pilipinas.

 

 

Ang panalo ni Petecio ang kauna-unahang silver medal ng Pilipinas sa larangan ng boxing sa Olympics magmula noong 1996.

 

 

Ito rin ang ika-anim na medalya ng Pilipinas sa Olympics magmula nang manalo ng bronze si Jose Villanueva noong 1932.

Other News
  • Pacquiao nagpahayag ng pagbabalik sa ring matapos ang panalo kay DK Yoo

    NAGPAHAYAG ng tuluyang pagbabalik sa boxing ring si Filipino boxing icon Manny Pacquiao.     Kasunod ito sa panalo niya sa exhibition fight laban kay martial artist DK Yoo sa Goyang, South Korea.     Nakita nito kaya niyang patumbahin ng maaga ang malaking kalaban sa kanilang six-round charity boxing match subalit mas minabuti pa […]

  • Bukod sa pagiging abala sa pagdidirek: XIAN, bibida uli sa teleserye at makatatambal si Ashley

    SI Xian Lim ang magdidirek ng bagong music video ni Glaiza de Castro.   Naging close ang dalawa pagkatapos nilang magtambal sa GMA teleserye na ‘False Positive’.   Sa kanyang Instagram, nag-share si Xian ng ilang photos sa unang araw niya ng shooting kasama ang OC Records sa Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bataan.   […]

  • Yulo sasalang na sa finals ng 2 events

    TARGET ni reigning world champion Carlos Edriel Yulo na makasikwat ng medalya sa dalawang finals event na lalahukan nito ngayong araw sa prestihiyosong 51st FIG World Artistic Gymnastics Championships na ginaganap sa Liverpool, England. Unang sasalang si Yulo sa men’s all-around event. Magsisimula ang bakbakan sa alas-2 ng mada­ling araw (oras sa Maynila). Hawak ni […]