• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, hindi inaalis ang posibilidad na isailalim ang MM sa MGCQ sa Nobyembre

HINDI inaalis ng Malakanyang ang posibilidad na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila sa darating na Nobyembre.

 

“It is not an impossibility dahil talaga naman po napababa natin [ang COVID-19 cases] pero nasa kababayan pa rin natin ‘yan sa Metro Manila,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque

 

Aniya, alam na naman ng mga mamamayan ang dapat gawin at ito ay ang “mask, hugas, iwas.”

 

Sa ulat, pinaghahandaan na ng Metro Manila Council ang posibleng paglalagay sa Metro Manila sa MGCQ mula sa kasalukuyang GCQ.

 

Ayon kay MMC Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, posibleng ilipat sa lowest quarantine ang NCR sa ilang kundisyon:

 

Kung patuloy ang magiging pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon, pagtaas ng recovery rate at kung patuloy na susunod ang publiko sa mga ipinatutupad na minimum health standards.

 

“Palagay ko po baka itong hanggang katapusan ng October na ito ay matapos natin ang gcq at hopefully with God’s graces itong darating na november baka mag mgcq na po ito sa pahintulot ng ating mahal na presidente.” ani Metro Manila Council| Parañaque City/Chairman, Mayor Edwin Olivarez.

 

Ayon pa kay Olivarez, pinag- aaralan na ng Metro Manila May- ors ang posibleng pagluluwag ng ipinatutupad na curfew sa NCR. Sa kasalukuya ay umiiral pa ang 10pm to 5am unified curfew.

 

“Sa susunod na meeting po namin yan po ang isa sa pinaka main agenda po natin para mabuksan na po natin ang economy po natin.” ani Metro Manila Council| Parañaque City/ Chairman, Mayor Edwin Olivarez.

 

Ngayong buwan ng Oktubre ay nasa ilalim pa rin sa GCQ ang NCR batay na rin sa rekomendasyon ng Metro Manila Council para mapanatili ang pagbaba ng kaso ng COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • ISKO, TATAKBO SA ELEKSIYON

    NAGPAHAGING si  Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tatakbo siya sa darating na 2022 election.   Gayunman, hindi naman binanggit ng alkalde kung anong posisyon ang kanyang lalahukan sa halalan.   Sa kanyang pahayag, sinabi ng alkalde na abala pa ito sa pagka-mayor sa Maynila at may obligasyon pa sa mga Manilenyo.   Nais din […]

  • SHARON, nalungkot na naman dahil kailangan ng bumalik ni FRANKIE sa New York para mag-aral

    MALUNGKOT ang araw ni Megastar Sharon Cuneta last Wednesday, August 25, at kahit ang balitang nag-number 3 sa ranking ang movie niyang Revirginized sa Google Play ay hindi nawala ang lungkot niya.      Instagram post ni Sharon:   “My Kakie, my Baba (eldest daughter nila ni Senator Kiko Pangilinan), is flying back to New […]

  • Ads June 14, 2023