• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan gob, pinaalalahanan ang publiko na manatiling mapagmatyag sa dengue

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang publiko na maging mapagmatyag sa dengue na hindi na lamang sakit na pangtag-ulan kundi pang buong taon na.

 

 

Ito ay sa kabila ng naitalang pitong porsyentong mas mababang kaso sa lalawigan kumpara sa nakalipas na taon.

 

 

Ayon sa Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng Provincial Health Office-Public Heath, nakapagtala sila ng may kabuuang 1,718 na pinaghihinalaang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hulyo 3, 2021 kung saan tatlo ang namatay.

 

 

“Manatili po tayong maalam, mapagmatyag at maingat. Ang dami po nating kalaban hindi lang ang COVID-19 na nagparalisa sa lipunan mahigit nang isang taon, hindi rin po nawawala ang dengue na malaking banta sa kalusugan nating mga Bulakenyo,” ani Fernando.

 

 

Nananawagan din ang gobernador sa pakikiisa ng mga Bulakenyo na gawin ang 4S strategy laban sa dengue kabilang ang Suriin at Sirain ang mga pinamumugaran ng lamok sa loob at labas ng bahay, Sarili ay protektahan laban sa lamok, Sumangguni agad sa mga pagamutan o health centers kapag may sintomas ng dengue, Suportahan ang fogging kapag may banta ng outbreak.

 

 

“Sikapin po nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran, alam po natin kung paano maiiwasan, kumilos po tayo, magtulungan po tayo,” anang gobernador.

 

 

Ipinaliwanag ng Kagawaran ng Kalusugan na naisasalin ang dengue sa pamamagitan ng kagat ng lamok na Aedes aegypti at Aedes albopictus na may dalang dengue. Ang mga lamok na ito ay nangingitlog sa mga naiipon at ‘di dumadaloy na tubig tulad sa mga takip ng bote, pamingganan, basurahan, nakatambak na gulong at iba pa na karaniwang nangangagat dalawang oras pagsikat ng araw at dalawang oras bago lumubog ang araw, sa loob o labas man ng bahay.  (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Grizzlies sinibak ang Wolves

    WINAKASAN ng Grizzlies ang ka­­nilang first-round series ng karibal na Minnesota Timberwolves matapos ang­kinin ang 114-106 pa­na­lo sa Game Six papasok sa Western Con­ference se­­mifinal round.     Lalabanan ng Memphis sa best-of-seven se­mi­finals series sina ‘Splash Brothers’ Stephen Curry at Klay Thompson at ang Gol­den State Warriors, ang NBA champions noong 2015, 2017 at […]

  • 1.7M na RFID stickers nakabit sa mga sasakyan, SMC humihing ng extension sa deadline

    Naitala ng San Miguel Corporation (SMC) na may 1.7 million na RFID stickers ang nakabit na sa mga sasakyan subalit humihing pa rin na palawigin pa ang deadline ng paglalagay ng cashless transaction policy sa lahat ng expressways.   Hiniling ni SMC president Ramon Ang sa Department of Transportation (DOTr) na bigyan nila ng konsiderasyon […]

  • Floating solar project ng Australian firm, makalilikha ng trabaho at mas malinis na industriya-PBBM

    MAKALILIKHA ng trabaho para sa mga Filipino ang floating solar project ng Australian firm sa Pilipinas.     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakapulong nya ang mga opisyal ng Macquarie Group ukol sa bagay na ito.     “With Macquarie Group’s 1.3 GW floating solar project in Laguna Lake, we’re creating sustainable jobs […]