• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sparring partner pinaluhod ni Pacquiao sa ginawang sparring session

Napaluhod ni Sen. Manny Pacquaio ang isa sa tatlong foreign sparring partners nito sa nangyaring sparring sessions sa Wild Card Gym.

 

 

Sinabi ni Joey Concepcion, Team Mindanao Head ni Senator Manny Pacquiao, na isa sa ginagawang taktika laban kay Errol Spence ang ginamit ni Pacquiao sa di pinangalang sparring partner.

 

Dagdag pa nito na umabot 15 segundo bago naka-recover ang naturang boksingero.

 

 

Kaya naman kampante sila na mana-knockout ni Pacman si Errol Spence ngayong Agosto 22, oras sa Pilipinas.

 

 

Samantala, naghihigpit ang Pacman Team sa sinumang papasok sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California, USA.

 

 

Ayon kay Concepcion, na lahat ng papasok ay dadaan sa antigen test at pagkatapos lagyan ng covid negative bracelet na nagpapatunay na negatibo laban sa virus.

 

 

Nalaman na natapos na kaninang umaga ang media day na kinabibilangan ng piling myembro ng International Media.

 

 

Sa Media day saglit lamang nagpakita si Pacquiao at sinagot ang iilang katanungan.

 

 

Wala ding pinahitulutan na kumuha ng video para hindi masilip ng kabilang kampo.

Other News
  • Rookie card ni Serena Williams naibenta sa mahigit P2.2-M

    Naibenta sa auction sa halagang $44,280 o mahigit P2.2-M ang autographed 2003 rookie card ni tennis star Serena Williams.     Ayon sa Goldin Auctions na ito na ang maituturing na pinakamahal na sports card ng isang babaeng atleta na naibenta.     Una kasing naitala ang rookie card ni dating US soccer player Mia […]

  • Janella, nag-explain sa regalong ‘tinapa’ ng isang fan: JANE, malaki ang pasasalamat sa buong journey niya bilang ‘Darna’

    NASA huling dalawang Linggo na lamang ang “Darna” ng ABS-CBN at magpi-finale episode na ito.       Malaki ang pasasalamat ni Jane de Leon na sa buong journey niya ng pagiging Darna at pagkakagawa nito.     Sabi nga niya, “Kung walang Darna, wala po ako kung nasaan ako ngayon.”       Unaffected lang […]

  • Nalungkot din sa hiwalayang Kathryn at Daniel: CES, kilalang-kilala si MARTIN kaya confident sa pagkatao nito

    NAKASAMANG muli ng beteranang aktres na si Ces Quesada sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ‘2 Good To Be True’ (2022) ng Kapamilya Channel, kaya nalungkot siya nang mag-break ang magkasintahan.   “Uy nalulungkot ako ha,” pahayag ni Ces nang makausap namin sa mediadon ng ‘Padyak Princess’ ng TV5.   “Alam mo si Kath at si Daniel nakasama ko ang mga […]