MARCO, matagal ng fan at ‘di akalain na natupad agad ang dream na makatrabaho si SHARON
- Published on August 7, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI pa rin makapaniwala si Marco na nakagawa siya ng pelikula with Sharon Cuneta at siya pa ang leading man ng Megastar.
Matagal na raw siyang fan ni Sharon at dream come true para sa kanya na makatrabaho ang singer-actress. Laking tuwa niya nang sabihin sa kanya ng Viva na makakasama niya sa Revirginized si Sharon.
Hindi nga niya akalain na ang dream niya na makatrabaho si Sharon ay matutupad agad via Revirginized.
Sobrang enjoy daw katrabaho si Sharon, ayon kay Marco.
“She’s very down to earth. Hindi niya ipararamdam sa iyo na inferior ka,” sabi pa ni Marco.
“Ms. Sharon made us feel comfortable to be with her, especially on the set. She’s so genuinely nice, approachable and easy to talk to.”
Bukod sa body shot scene kung saan uminom si Sharon ng tequila from his tummy, memorable rin ang eksenang may tinutulak silang kotse dahil yun ang turning point ng pelikula.
“Doon kasi naging mas free ang feeling ni Ms. Sharon as Carmela. She became a really changed woman at nawala ang pagiging uptight niya,” kwento pa ni Marco.
Hindi raw niya malilimutan ang experience na maging leading man ng Megastar. Marami raw siyang natutuhan from Sharon and he absorbed everything that he learned from her.
Para naman kay Direk Darryl Yap, natupad na isa sa bucket list niya at ito ay ang makatrabaho si Sharon. Hindi raw niya inakala na this early in his career as a director ay darating agad ang pagkakataon to work with the Megastar.
Pwede na raw niyang ipagyabang na naidirek na niya si Sharon sa pelikula. At napaka-pleasant experience ito.
“Sharon is an angel to work with. Wala siyang ere. She’s a very happy person at very generous pa,” hirit ni Direk Darryl na niregaluhan ni Sharon ng Louis Vuitton na bag.
Sinabi rin ni Direk Daryl na very professional si Sharon.
Revirginized is now streaming on KTX.ph, iWant, TFC, IPTV, Sky PPV and on August 27, at Cignal PPV. It’s also going to be shown in actual theaters in the USA and Canada .
***
REUNITED sina Coco Martin at Direk Brillante Mendoza sa pelikula kung saan leading lady ni Coco si Julia Montes.
Untitled pa ang movie na dinirek ng Cannes best director awardee para masaya siya to be working again with Coco na nagbida sa debut directorial film niya na Masahista.
For that movie, nagwagi si Coco ng Best Performer Award mula sa Young Critics Circle.
Sa chikahan with Direk Dante, sinabi nito na malaki ang naging improvement ni Coco as an actor. Dala na rin ng maturity ng actor na masasabi natin na isa sa favorite actors niya.
Nang ialok daw niya ang movie na ito (kung saan pulis ang role ni Coco pero kakaiba sa character ni Cardo Dalisay, na isa rin pulis), nagkataon na may break si Coco sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya nagawa niya ang pelikula.
“Sabi ni Coco sa akin, artista lang ako rito. Kahit na ano pwede mo ipagawa sa akin. Gusto mo mag-tumbling ako? Sabi ko naman, okay lang basta patay lahat ng kalaban sa isang bala,” natatawang kwento ni Direk Dante.
Very professional daw katrabaho sina Coco at Julia. Nakatrabaho na raw niya si Julia sa isang project for DOH kaya alam niya na very professional ito.
(RICKY CALDERON)
-
Service contracting ng PUVs tinaasan ang per kilometer incentive
Tinaasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang per kilometer incentive na binibigay sa mga public utility drivers (PUVs) sa ilalim ng programang service contracting ng pamahalaan. Sa isang LTFRB memorandum circular ng nilabas, ang per kilometer incentive para sa traditional at modernized jeepneys kasama ang public utility buses ay bibigyan […]
-
“Ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa Lalawigan ng Bulacan” – Fernando
“SA LAHAT ng mga malalaking development plans at business opportunities dito sa ating lalawigan, ipinagmamalaki kong sabihin sa inyo na ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa lalawigan ng Bulacan. Magkapit-bisig tayo upang maging sentro ng pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa ang Bulacan.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa […]
-
Paglilipat kay Veloso mula Indo papuntang Pinas, pinaplantsa pa ng DFA, DoJ
PINAPLANTSA pa rin hanggang ngayon ng gobyerno ng Pilipinas at gobyerno ng Indonesia ang mga kondisyon sa paglilipat kay Mary Jane Veloso na may ilang taon na ring nakakulong at hinatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa pagdadala ng 2.6 kilograms ng heroin sa naturang bansa noong 2010. Sa Joint Statement ng […]