Supply ng oxygen sa Metro Manila sapat
- Published on August 9, 2021
- by @peoplesbalita
Sapat pa umano ang oxygen supply sa Metro manila sa kabila ng pagdami ng kaso ng COVID-19 na pinaniniwalaang dahil na sa Delta variant.
“Kahit itong huling ECQ (enhanced community quarantine) marami namang dumating na oxygen tanks hanggang ngayong araw na ito hindi naman tayo nagkakaroon ng shortage pagdating sa tangke dito sa NCR,” ayon ito kay Adrien Alon-Alon, may-ari ng Caremart Medical Supplies sa isang panayam sa DZMM.
Idinagdag pa nito na bagama’t mataas ang pangangailangan dahil na rin sa COVID surge sa rehiyon ay hindi pa rin sila nagtataas ng presyo.
Kasabay naman nito na hiniling niya sa may kahalintulad niyang negosyo na huwag samantalahin ang sitwasyon para itaas ang presyo.
Gumagawa na rin sila ng paraan para matiyak na hindi magkakaroon ng kakulangan sa cylinders ng oxygen. (Daris Jose)
-
Pamilya Teves, umalma sa pagtukoy sa kanila bilang mga terorista
UMALMA si dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves sa pagtukoy sa kanila ng Anti-Terrorism Council bilang mga terorista. Una rito, sa inilabas na ATC Resolution 43, tahasang binanggit ang mga pangalan nina Rep. Arnulfo Teves, ex-Gov. Pryde Teves, dati nilang bodyguard na si Marvin Miranda at 10 iba pa. Ayon […]
-
6 sangkot sa droga, nalambat sa Navotas buy-bust
Anim na hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas city. Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, dakong 4:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]
-
Registered owner rule hindi pwede gamitin na basehan para ipataw sa registered owner ang multa ng NCAP traffic violation kung iba ang driver
SA ISANG news item nagulat ako sa pahayag ng isang taga- QC Hall na ang basehan daw kung bakit ang registered owner ang liable sa no-contact apprehension ay ang Registered Owner Rule. With due respect po ang registered owner rule ay ginagamit para habulin ang registered-owner kapag may aksidente HINDI PAG TRAFFIC VIOLATION. […]