• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lyceum kampeon sa NCAA online chess

Nasungkit ng Lyceum of the Philippine University ang korona sa NCAA Season 96 seniors’ online chess tournament.

 

 

Pinayuko ni Neymark Digno ng Lyceum si Carl Jaediranne Ancheta ng Arellano University sa championship round upang matamis na angkinin ang titulo.

 

 

Nagkasya lamang sa pilak si Ancheta.

 

 

Nakahirit ng tiket sa finals si Digno nang gapiin nito si University of Perpetual Help System Dalta bet Carl Zirex Sato sa semifinals.

 

 

Umabante naman sa gold-medal match si Ancheta nang igupo nito si Adrian Othniel Yulo ng College of Saint Benilde sa hiwalay na semis game.

 

 

Ito ang kauna-unahang titulo ng Lyceum sa chess tournament sa liga.

 

 

Nauna nang ginanap sa season na ito ang poomsae, speedkicking at volleyball skills challenge.

Other News
  • Covid-19 vaccine ng Astrazeneca, hindi pa maaring tanggapin at ipamahagi ng covax facility

    IPINALIWANAG Health Usec. Maria Rosario Vergeirre kung bakit kailangan pa ring hintayin ng Astrazeneca ang Emergency USe LIst O eul na mula sa world health organization (WHO) bago ito ng COVAX facility.   Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Vergeirre na isa sa mga ginagawang basehan o kondisyon ng covax facility para kanilang tanggapin ang […]

  • Mahigit sa 400 umano’y recipients sa listahan ng mga benepisyaryo ng confidential funds walang record sa PSA

    MAHIGIT sa 400 umano’y recipients sa listahan ng mga benepisaryo ng confidential funds na ipinamahagi       Department of Education (DepEd) na pinamumunuan noon ni Vice President Sara Duterte ay walang birth records, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).     inihayag ito ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng House Committee […]

  • Ads February 3, 2024