• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NORA, humihingi ng tawad dahil maraming pagkukulang sa pumanaw na kaibigang producer/director

NAGLULUKSA ang Philippine Television industry dahil sa pagpanaw ng TV icon na si Kitchie Benedicto.

 

 

Pumanaw ang producer-director na si Benedicto noong nakaraang August 4 sa edad na 74. Sa kanyang tahanan sa Pasay City pumanaw si Benedicto ayon sa kanyang son-in-law na si Negros Occidental Vice Governor Jeffrey P. Ferrer.

 

 

“It is with deep sadness that we announce the passing of our beloved mother, Kitchie Benedicto-Paulino, on August 4, 2021 at 74 years old, surrounded by her loved ones in her home. She leaves behind her 4 children, 14 grandchildren, and 1 great granddaughter.

 

 

For those who want to pay their final respects and tribute to Mom, we will soon announce an online memorial service. Thank you for your love, support, and prayers,” ayon sa statement na nilabas sa media ng pamilya ni Benedicto.

 

 

Si Kitchie Benedicto ay anak ng former Philippine Ambassador Roberto S. Benedicto, isang prominenteng public figure noong panahon ni President Ferdinand E. Marcos. Ang pamilya nila ang may-ari ng RPN Channel 9, ang tinaguriang leading television broadcasting firm sa bansa noong 70s and 80s.

 

 

President and CEO si Benedicto ng KB Entertainment Unlimited, Inc. na siyang nag-produce ng mga top-rating and long-running shows ng RPN-9 na Superstar ni Nora Aunor at John En Marsha nina Dolphy at Nida Blanca.

 

 

Isa nga si Ate Guy sa labis na nalungkot sa pagpanaw ng kaibigang producer/director na naging dahilan para tumagal ang kanyang TV shows noon.

 

 

Humingi rin ng tawad ang Superstar dahil alam niyang marami siyang pagkukulang, ayon sa naging pahayag niya.

 

 

Si Benedicto rin ang instrumento sa pag-produce ng ilang entertainment shows tulad ng Kaluskos Musmos, isang comedy-skit show na tampok sina Maricel Soriano, Herbert Bautista, Dranreb Belleza, Maila Gumila, Gary Lising at marami pang iba.

 

 

Si Benedicto rin ang nasa likod ng unang musical-variety show ng Star for all Seasons na si Vilma Santos na VIP: Vilma In Person at ang sitcom nina Vic Sotto at Dina Bonnevie na 2+2 at ang musical-comedy show ni Dolphy na Buhay Artista. 

 

 

Ang naging comeback at huling talk show ng yumaong Queen of Intrigues Inday Badiday na Inday, Heart To Heart in 2002 ay si Benedicto ang nag-produce for GMA.

 

 

***

 

 

NAKAKUHA na rin ang Kapuso star na si Sanya Lopez ng Gold Play Button mula sa YouTube matapos niyang malagpasan ang one million mark sa bilang ng kaniyang subscribers.

 

 

Sa Instagram ay pinasalamatan niya ang mga fans sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa kaniyang videos, “Gintong pasasalamat sa lahat ng aking mga subscribers!!! 

 

 

Sunud-sunod talaga ang buhos ng blessings sa career ni Sanya. Kamakailan lang ay muli siyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center. Successful din ang huli niyang mga programa kabilang na ang mahusay niyang pagganap sa role ni Yaya Melody sa primetime series na First Yaya at bilang si Maya sa Agimat ng Agila.      Congratulations, Sanya!

 

 

***

 

 

PUSPUSAN na ang paghahanda nina Matt Lozano at Radson Flores para sa nalalapit na lock-in taping ng much-awaited GMA series na Voltes V: Legacy.

 

 

Nagte-training na si Matt sa paggamit ng bo staff, ang sandata ng kanyang karakter na si Big Bert. Kumuha naman ng extra lesson si Radson sa horseback riding para sa kanyang role na si Mark Gordon.

 

 

Ayon kay Matt, “Gusto ko pagdating sa set, handa ako. Nagte-training ako ngayon ng mga stunts ng bo staff, para pagdating sa set, handang-handa ako hindi lang sa pag-arte.”

 

 

Pagkukuwento naman ni Radson, “Kailangan, kumbaga parang sumasayaw kayo nung kabayo, parang kailangan hindi kayo magkakatapakan ng paa, same kayo ng rhythm, momentum, at ‘yung balance.” 

 

 

Makakasama rin nila sa inaabangang Voltes V: Legacy sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, at Raphael Landicho bilang John “Little Jon” Armstrong.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • MAINE, hinahamon na kumanta ng 25 songs na inayos na ng EB Shy Singer

    MISS na ng mga fans at ilang araw nang hindi napapanood si Phenomenal Star Maine Mendoza sa daily noontime show na Eat Bulaga.     Tinatapos muna kasi ni Maine ang taping ng ilan pang episodes ng kanyang bagong show na #MaineGoals for Cignal TV and APT Entertainment na napapanood sa BuKo Channel, na sinusubukan […]

  • TARGET ng gobyerno na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project

    Ayon kay  Presidential Chief Legal Counsel Atty Salvador Panelo, sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag- operate na ito ng December 2021.   Sinasabing taong 2025 naman inaasahang magiging fully operational ang proyekto na nagkakahalaga ng 3 daan, 55 punto anim na bilyong piso.   […]

  • Japanese Energy firm, tiniyak ang suporta sa polisiya ni PBBM ukol sa renewable power

    TINIYAK ng isang Japanese power generation company sa  Philippine government  ang stable supply ng  liquefied natural gas (LNG) para suportahan ang economic growth ng bansa.     Sinabi ni JERA Co. Inc. presidente ng Satoshi Onoda kay Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kompanya ay nakikipagtulungan sa Aboitiz group, tumayong kinatawan si  Sabin Aboitiz, […]