• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpapakalat ng ‘fake news’ sa bakuna, kakalusin – PNP

Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar ang fake news na naging dahilan ng pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites noong Huwebes.

 

 

“Nagbigay na ako ng direktiba partikular sa Anti-Cybercrime Group para magsagawa ng malalimang imbestigasyon. Tingnan natin kung meron ba talagang nag-iinstigate ng ganyang mga pananabotahe dahil ‘yan po talaga ang nakakasira sa ating programa,” ani Eleazar.

 

 

Kamakailan, dinagsa ang ilang vaccination sites sa Kamaynilaan matapos kumalat na hindi palalabasin ang hindi bakunado sa  Manila at Las Piñas.

 

 

“Kaya ang direktiba natin sa ating mga chief of police, makipag-coordinate closely with LGU, alamin kung ano ang programa, at gumawa ng plano,” dagdag ni Eleazar.

 

 

Hinimok din ng PNP chief ang publiko na huwag maniwala sa hindi beripikadong impormasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Ads June 1, 2021

  • Panibagong challenge ang pagpasok niya sa politics: ANGELU, masuwerteng nasa ticket ni Mayor VICO kaya ‘di nahirapang manalo

    ANG ganda-ganda ni Angelu de Leon sa suot niyang blue terno na siya ay manumpa bilang member ng city council ng Pasig City.     Nagsimula ang term of office ni Angelu bilang newbie konsehala noong July 1.     Panibagong challenge kay Angelu ang pagpasok niya sa politics. Having seen her grow up mula […]

  • Valenzuela nagbigay ng P4-milyon ayuda sa Isabela at Cagayan

    Matapos magpaabot ng P6-milyong tulong sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly, nagbigay naman ang VC Cares Plus Program ng Lungsod ng Valenzuela ng P4-milyon tulong financial assistance sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses sa lalawigan ng Isabela at Cagayan.   Sa ipinasa ng 8th City Council ng City Government ng Valenzuela na Resolution No. 1882, […]