• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANGEL at NEIL, naka-white coat, pants at sneakers lang sa naganap na civil wedding; original plan siguradong itutuloy pa rin

HINDI pa rin sinasabi nina Angel Locsin at Neil Arce kung kailan sila talaga nagpa-civil wedding kunsaan, ang Mayor ng Taguig na si Lino Cayetano ang nagkasal sa kanila.

 

 

Pero so far, marami naman ang natuwa para sa dalawa na dapat, November 2020 pa sana ang talagang date ng kasal, pero dahil nga sa COVID-19 ay na-postpone ito. At siguro, dahil nakikita rin nila na kahit may mga bakuna na, with the new variants ng COVID-19, parang wala pa rin kasiguraduhan kung kailan ba talaga ito matatapos.

 

 

At kung kailan nga sila mag-i-schedule na mas wala ng worries at mga protocols.  Present sa civil wedding nila ang talagang tatayong matron of honor ni Angel na si Dimples Romana at mga magulang nila.

 

 

Sa recent IG post nga ni Angel, bilang pag-honor sa kanyang ama, pinost niya ang picture na nakayakap dito during their wedding at kasabay ang caption na, “You’ll always be my number one man.”

 

 

Naka-white coat, pants at sneakers lang sina Angel at Neil.  Kaya sigurado, kapag okay na ang lahat at sa rami nilang mga kaibigan, siguradong itutuloy pa rin nila ang orihinal na planong kasal.

 

 

***

 

 

WALANG duda na nagbigay ng kasiyahan at masasabing nagbalik ang kumpiyansa ni Kris Aquino nang muli siyang napanood sa telebisyon sa pamamagitan ng 8.8 Mega Flash Sale ng Shopee kasama si Willie Revillame.

 

 

And as she is, very open naman si Kris sa kung ano ang nararamdaman at pinagdadaanan. At sa recent IG post nga niya, nagpasalamat naman ito sa bunsong anak na si Bimby. Kung paano raw, never itong nawalan ng tiwala.

 

 

Na-touch din si Kris sa gesture ni Bimby na secretly, naisip na i-welcome siya of her favorite flower at bukod dito, ipinagmamalaki rin niya na nagtapos ng Grade 8 ang anak na 1st honor at wish niyang sana raw, hindi magbago ang pangarap na maging isang doctor.

 

 

Sey rin ni Kris sa kanyang post, sana raw, naging half man lang siya like Bimby as a bunso sa kanyang ina.

 

 

Narito ang IG post ni Kris,  Yesterday was for my self esteem, for all of you, for my mom who instilled in me the importance of staying strong come what may, and most of all it was for the 14 year old who never stopped praying for and believing in his mama… i love you, Bimb.

 

 

Thank you for asking @alvingagui to get money from your savings so that you could surprise me with my favorite shade of pink roses so that you’d have a “welcome back” and “congratulations, mama” bouquet as soon as i entered our temporary home. 

 


     “Hindi ko talaga alam anong mabuting nagawa ko to deserve a son as thoughtful and loving as you- how i wish i could have been just 50% of you to Lola Cory because you are the bunso a mom like her deserved… sa dami ng nangyari in our lives & because of my social media sabbatical, hindi ko kayo na update, Bimb finished 8th grade 1st honors pa rin. Right after the ECQ, he starts 9th grade. And i am excited for what the future holds for him- sana talaga hindi na magbago yung choice nya to pursue a career in the field of medicine.”

(ROSE GARCIA)

Other News
  • PDu30, ayaw sa reenacted budget

    Gustong maipasa ang P4.5-trillion national budget bago ang Oktubre14.   SINABI ng Malakanyang na nais nitong maipasa ng Kongreso ang P4.5-trillion national budget bago ang Oktubre14.   Ayaw kasi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang reenacted budget pagsapit ng taong 2021.   Sinabi ni Presidential Spokes- person Harry Roque kapag naipasa ang national budget ay […]

  • 3 Pinoy sugatan matapos pinakamalakas na lindol sa Taiwan sa loob ng 25 taon

    UMABOT na sa tatlong Pilipino ang sugatan kaugnay ng magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan noong Miyerkules, bagay na pumatay na sa siyam na katao at naka-injure sa mahigit 1,000 iba pa. Ito ang ibinahagi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairperson Silvestre Bello III sa panayam ng ANC ngayong Huwebes. Ang MECO ang […]

  • Pag-IBIG members, nakapagtala ng record-high na P59.52 bilyon savings

    INIULAT ng Pag-IBIG Fund na nakapagtala ang kanilang mga miyembro ng record high na P59.52 bilyon na savings para sa unang walong buwan ng taong ito.     Nabatid na ito ay paglago ng 11.45% year-on-year, at itinuturing na pinakamalaking halaga na naipon ng mga miyembro mula Enero hanggang Agosto, sa kasaysayan.     Ayon […]