PDu30, ayaw sa reenacted budget
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
Gustong maipasa ang P4.5-trillion national budget bago ang Oktubre14.
SINABI ng Malakanyang na nais nitong maipasa ng Kongreso ang P4.5-trillion national budget bago ang Oktubre14.
Ayaw kasi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang reenacted budget pagsapit ng taong 2021.
Sinabi ni Presidential Spokes- person Harry Roque kapag naipasa ang national budget ay siguradong mapipirmahan na ito ng Pangulo sa Disyembre at magiging epektibo na ito sa Enero.
Napag-alaman na ilalaan ang malaking bahagi ng 2021 na- tional budget sa mga programa na nakatuon sa pag-ahon ng bansa mula sa idinulot na krisis ng COVID-19 pandemic.
Nauna rito, nagpahayag ng pangamba ang economic team ng Pangulo sa magiging kapalaran sa P4.5-trillion budget dahil sa agawan sa kapangyarihan sa mababang kapulongan.
Sa ulat, inakusahan ni incom- ing House Speaker at Marinduque Representative Lord Allan Velasco si incumbent House Speaker Alan Peter Cayetano na hino-hostage ang 2021 national budget upang mapanatili ang sarili sa puwesto.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Velasco na sa halip na matutukan ng Kamara ang trabaho, natabunan na ng pulitika at drama ang pagtalakay sa panukalang budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Velasco, walang ibang pakay ang mga nangyayaring pag- atake at panggugulo sa House of Representatives kundi ang mapanatili ang mga personal na agenda kapalit ng agarang pagpasa sa 2021 national budget.
Kasunod nito, nananawagan si Velasco sa kanyang mga kapwa mambabatas na magpatuloy sa pagtatrabaho at ipasa ang national budget bago ang ika-14 ng Oktubre.
Una nang iginiit ni AnaKalusugan Party-list Representative Mike De- fensor na kilalang kaalyado ni Cayetano na kaya nilang maipasa sa ikalawang pagbasa ang panukalang national budget bago mag-recess ang kongreso. (Daris Jose)
-
TOROTOT AT PITO, PINAPAIWAS SA BAGONG TAON
HINDI pinapayo ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng “torotot” o kahit ang “pito” (whistle) sa pagsalubong ng Bagong Taon. Sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje sa virtual launching ng Tuloy ang Paskong Pinoy 2020:Iwas Paputok Campaign,” mas mainam na umiwas sa SKERI at doon tayo sa KERI na mga paraan. Ayon kay Cabotaje, […]
-
11 sangkot sa Dacera case, pipigain ng NBI
Isasalang ngayong araw sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation ang 11 personalidad na isinasangkot sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City. Ito ay makaraang matukoy ng NBI ang pagkakakilanlan sa 11 katao na pinadalhan na nila ng subpoena, na huling nakasama ni Dacera […]
-
Warriors star Stephen Curry at asawa muling ikinasal
Muling ikinasal si Golden State Warriors star Stephen Curry at asawa nitong si Ayesha. Isinagawa ang renewal of vows bilang bahagi ng kanilang 10th wedding aniversary. Sa social media account ni Ayesha ay nagpost ito ng mga larawan. Isa umanong surpresang renewal of vow ang ginawa ng NBA star. […]