• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao nasa huling linggo na ng training camp sa Hollywood, California

Nasa huling linggo na ng kanyang training camp si Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California, bago ang big fight sa August 22.

 

 

Aminado ang Hall of Famer coach na si Freddie Roach na hindi na siya nagulat na sa ead na 42-anyos ngayon ng Pinoy ring icon, ito pa rin ang pinakamatinding boksingero na kanyang nahawakan pagdating sa training.

 

 

Ayon kay Roach, ang nalalapit na laban ni Pacman kontra sa 11 taon na mas bata sa kanya na si Errol Spence ay maituturing na isa sa biggest fight ng kanyang career.

 

 

Aniya, ang kanyang nakita na subsob sa pag-eensayo ng eight-division world champion ay nagpapakita lamang sa labis nitong pagkagutom na manalo at gayundin may nais pa itong patunayan sa ibabaw ng ring.

 

 

Gayunman, aminado rin ang sikat na trainer na posibleng ito na rin ang huling laban ng fighting senator lalo na at aagawin ng politika ang atensiyon ni Pacquiao sa mga darating na panahon.

Other News
  • La Salle ibinunton ang galit sa UST

    IBINUHOS ng La Salle ang ngitngit sa University of Santo Tomas nang itarak ang 75-66 panalo sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.     Nasandalan ng Green Ar­chers si Justine Baltazar na kumamada ng 20 points, 7 rebounds at 5 assists para sa kanilang ikaapat […]

  • Nakikipag-mabutihang bansa lang ang Pilipinas sa China- Sec. Roque

    HINDI bahag ang buntot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China kundi nakikipag-mabutihang bansa lamang ang Pilipinas sa China.   Noong nakaraang Biyernes ay sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang magbayad ng Estados Unidos sa Pilipinas kung nais nitong nitong manatili ang tropang amerikano sa bansa.   Pumiyok ang Chief Executiive na hindi kayang magmatapang […]

  • Seguridad sa South Metro pinaigting, higit 2K pulis ikakalat

    KASADO na ang planong “Ligtas Paskuhan 2023” upang maagap na bantayan ang kaligtasan at seguridad ng mga residente at mga dumarayo sa katimugang bahagi ng Metro Manila na nasa hurisdiksyon ng Southern Police District (SPD).     Sinabi ni SPD officer-in-charge P/Brig General Mark Pespes, ang deployment plan ng mga tauhan ay kinabibilangan ng 2,425 […]