• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Universal vaccine cards hinihirit

Dapat magkaroon na ng universal vaccine cards na magpapatunay na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 at kikilalanin maging sa labas ng bansa.

 

 

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos mapaulat na hindi umano kinikilala ng gobyerno ng Hong Kong ang vaccine cards ng mga Overseas Filipino Workers na bigay ng mga local government units.

 

 

Ayon kay Roque, sa pagkakaalam niya ay gumagawa na ng paraan ang International Air Transport Association (IATA) at iginiit na niya sa Department of Health na makipagtulungan sa World Health Organization para magkaroon ng standard vaccination cards na tatanggapin ng lahat.

 

 

Iminungkahi rin ni Roque ang paggamit ng yellow quarantine book na ibinibigay ng Bureau of Quarantine na maaring magamit sa paglabas ng bansa.

 

 

Nangako rin si Roque na isasangguni niya ang isyu sa Inter-Agency Task Force para sa pagpapalabas ng vaccination cards na kikilalanin sa ibang bansa katulad ng kanyang yellow card. (Gene Adsuara)

Other News
  • Pamahalaan, pinayagan na ang 10% dine-in capacity; barber shop, parlors ng 30% sa MECQ

    PINAPAYAGAN na ng pamahalaan ang ang dine-in operations sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).   Pinapayagan na rin na mag-operate ang mga barbershops, beauty parlors, at iba pa sa 30% capacity sa MECQ   Sa isang kalatas na ipinalabas ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force […]

  • Banta ng Delta variant: Mga magulang, pinayuhang ‘wag palabasin mga bata

    Hinihimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga magulang at bantay ng mga bata na kung maaari ay panatilihin na lamang sa loob ng bahay ang mga menor de edad.     Ito’y sa harap na rin nang patuloy na pagtaas ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) Delta variant cases at habang pinag-aaralan pa ng […]

  • Wright Player of the Week ng PBA GC sa Pebrero 11-13

    NANALANTA si Matthew Andrew Christopher Wright ng 27 points at 10 assists nang manehohin ang Phoenix Super LPG sa pagtakas ng 93-92 win laban sa TNT sa 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup eliminations nooong Linggo sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.     Tampok sa pabida ng 31-year-old, 6-foot-4 Fil-Canadian guard-forward ang […]