Julia, okay na after na mabiktima ng fake news na ‘preggy’
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
SI Julia Barretto ang latest Star Magic talent na lumipat sa Viva Artist Agency.
Sa zoom presscon na ginanap noong Miyerkoles, winika ng dating ABS-CBN star na maganda ang inilatag na career plan ng Viva para sa kanya.
“They laid a very good plan for me and they wanted to help me out. As an actress, I want to seek other options for the advancement of my career,” pahayag pa ni Julia na contract star ng ABS-CBN Star Magic since the start of her career.
Hindi raw naging madali para sa kanya ang desisyon na iwan ang Star Magic. Mahirap daw na decision para sa isang tao ang pagsasara ng chapter sa isang mahalagang bahagi ng kanyang buhay. Pero mananatili raw siyang grateful sa Star Magic heads na sina Mr. Johnny Manahan aT Ms, Mariole Alberto.
“I really took time to think and pray before deciding on my options with regards the direction my career will have to take,” said Julia.
Sabi ng kanyang mommy (Marjorie Barretto) na she is old enough to decide for herself.
“But whenever I have to decide on something, I always think of my mom who had always been very supportive. She had always told me to decide what is best for me and I always heed her advice.”
Para naman sa Viva, they want to make Julia a bigger star than she is now. Malaking artista si Julia at gusto pa nila na mas magningning ang bituin nito. Excited na nga si Julia sa plano ng Viva sa kanya. Bukod sa pelikula, baka gumawa rin siya ng isang online show.
Open din si Julia na makatrababaho ang ibang Viva Artists whom she had not worked with tulad nina Marco Gumabao at Yassi Pressman, just to name a few.
“The transition to Viva was great and exciting. When it comes to working with other Viva artists, hindi naman ako maarte sa kung sino ang makakasama ko. Everything depends on the director, the story and the script. If Viva feels an artist fits a role in a project that I am doing, I will welcome him or her wholeheartedly,” sabi pa ng ex-gf ni Joshua Garcia.
Interesado rin si Julia na gumawa ng more mature roles sa pelikula, something that will present her other side as an actress.
Kahit na na-involve siya sa buntis issue, winika ni Julia na okay naman siya. May maayos daw siyang support group. Nilinaw niya na ilan beses na rin siyang naging biktima ng fake news.
It’s about time daw na protektahan naman niya ang sarili niya sa mga maling balita about her. “It’s about time that I make an action to stop it. It really bothers me if there is fake news, not just for me, but for everybody. I’ve had enough, I should stand up for myself.
It’s about time that I protect myself,” sabi niya. “I am looking at the bright side with this move to Viva. This is a milestone for me. I am more driven and focused.” (RICKY CALDERON)
-
Panaga: Season-high in Blocks while mom watching
Naghatid si Jeanette Panaga ng inspiradong performance para itulak ang Creamline sa 25-22, 22-25, 25-5, 25-19 na panalo laban kay Chery Tiggo sa kanilang 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference best-of-three Battle for Third series. Ang 6-foot middle blocker ay nagrehistro ng 14 puntos sa siyam na blocks para pamunuan ang All-Filipino Cool […]
-
Carly abala sa gym
KAHIT hindi pa nagbabalik ang Philippine SuperLiga (PSL) women’s indoor volleyball dahil sa pitong buwang Covid-19, todo pakondisyon niya si Carlota ‘Carly’ Hernandez ng Marinerang Pilipina Lady Skippers. Pinaskil sa Instagram story nitong isang araw, ang kondisyong porma at hubog ng katawan ng 21-anyos, 5-5 ang taas na dalagang taga-Sta. Rosa, Laguna sa isang […]
-
Marcial solong sasabak sa Asian Championships
Tanging si Eumir Marcial lang ang Olympian na masisilayan sa Asian Elite Boxing Championships na idaraos sa Mayo 21 hanggang Hunyo 1 sa Dubai, United Arab Emirates. Ito ang inihayag ni Marcial kung saan hindi magpapartisipa ang mga kapwa Tokyo Olympics qualifiers na sina Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam. “Ako lang […]