• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Game fixing batas lang ang katapat – Duremdes

PANGARAP ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes na masugpo ang matagal nang nagaganap na iba’t-ibang uri ng game-fixing partikular sa sport. Kaya lang, aniya ay sadya mahirap papatunayan at makakuha ng mga ebidensiya laban sa mga sangkot upang mapanagot ang mga may sala.

 

Ayon nitong isang araw sa dating Philippine Basketball Association (PBA) Most Valuable Player at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) coach sa Adamson Soaring Falcons, kailangan ang isang mas detalyadong batas na magpaparusa at kakklapiska sa iba’t-ibang uri ng pagbebenta at pagmamanipula sa mga laro ng sinumang player, coach o team owner.

 

“One of the main concerns namin is game-fixing. Very rampant talaga. But the thing is walang actual na nahuhuli. Malaking isyu ito na dapat bigyang pansin ng gobyerno at ating mga mambabatas. Iyong ebidensiya kasi talaga ang mahirap hanapin unless na may magtuturo,” litanya 46 na taong-gulang na hoops official.

 

Dinugtong niya, “Siguro, ang magandang gawin ang Congress natin magbuo ng batas. Hindi kasi natin kilala tulad sa isang text lang, paano kung prepaid SIM card ang gamit, mahirap i-trace dahil walang pangalan.”

 

Pinanapos ni Duremdes na hinihintay na lang ng liga ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ)

 

Sa kinasuhan noong Nobyembre ni MPBL founder at chairman Sen. Emmanuel Pacquiao na 21 katao, kabilang ang 11 player ng SOCCKSARGEN.

 

Unang nasambit na rin dito sa OD nina MPBL-Valenzuela coach Gerald Esplana at PBA bench tactician Francisco Luis Alas na may alam sila sa game fixing.

 

Pero tulad ni Duremdes inamin nilang mahirap itong patunayan sa sangkot dahil sa kawalan ng batas upang matigil ang nabanggit ni krimen. (REC)

Other News
  • Ads May 27, 2023

  • Sa prestigious 26th Tallinn Black Nights Film Festival: THERESE, proud na nag-iisang Asian at pinakabatang jury member

    NINANAMNAM ng award-winning Kapuso actress na si Therese Malvar ang pagkakasama sa kanya bilang jury member sa prestigious 26th Tallinn Black Nights Film Festival na ginanap sa bansang Estonia.     Sa First Feature Competition category ng naturang festival umupo bilang jury si Therese.     Sa kanyang pinost sa Instagram, nag-share siya ng kanyang […]

  • SSS sa mga miyembro, magsimula nang mag-impok para sa retirement

    HINIKAYAT ng State-run Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na simulan na ang mag-impok para sa kanilang retirement sa ilalim ng muling ipinakikilalang savings program na maaaring umani ng mas mataas na annual return.       Sa isang kalatas, sinabi ni SSS president at CEO Rolando Macasaet na ang mga miyembro ay […]