• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30 pinasasagot ang DOH sa P67 bilyong pandemic funds

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health na sagutin ang obserbasyon ng Commission on Audit (COA) na may “deficiencies” sa P67 bilyong pandemic funds na hindi umano nagamit ng maayos ng DOH.

 

 

“Well, ang instruction po ng Presidente ay saguting mabuti ang mga observation ng COA. Iba kasi itong nature ng observation ng COA noh? kung sa dati-rati eh mga politiko lang ang mga nagbibigay ng paratang. Ang COA po kasi ay isang constitutional body at talagang ang trabaho niyan eh bantayan ang kaban ng bayan,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

 

Sa ngayon ay hindi muna umano maglalabas ng kanyang “judgement” ang Pangulo hangga’t hindi nakakapagsumite ng komento ang DOH.

 

 

“Ngayon, premature pa po ah. Sasagot pa lang po ang DOH. Hintayin natin ang sagot. The President is keen to read the answers dahil medyo mabigat po ang mga obserbasyon,” sabi ni Roque.

 

 

Bilang abogado ay alam anya ni Duterte na matapos na sumagot ang isang pinaparatangan o isang ahensiya at nagkaroon ng pinal na obserbasyon ang COA ay saka pa lamang makakapagsampa ng kaso.

 

 

“Ang Presidente po, walang sinasanto. There are no sacred cows in this administration,” sabi ni Roque.

 

 

Ang nais ng Pangulo ay nagagamit sa kapakinabangan ng taumbayan ang bilyun-bilyong pondo na inilalabas para sa COVID response, wika pa ni Roque.

 

 

Sa inilabas na 2020 audit report ng COA, sinabi nito na nagkakahalaga ng P6.61 milyon ang mga nag-expired na gamot samantalang mayroong P20.06 milyong halaga ng gamot na malapit ng mag-expire.

 

 

Ayon sa COA, mayroon ding mga P69 mil­yong halaga ng gamot, iba pang medical at office supplies at trai­ning materials na sumobra ang binili, mabagal ang paggamit o hindi nagagamit. (Daris Jose)

Other News
  • Ads June 4, 2021

  • Open and productive ang miting ng dalawang lider ng bansa

    NAGKAROON ng “open and productive telesummit” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay President Vladimir Vladimirovich Putin ng Russian Federation noong Abril 13, 2021.     Muling pinagtibay ni Pangulong Duterte at President Putin ang kanilang commitment para mas lalo pang mapahusay ang kooperasyon habang ginugunita ng Pilipinas at Russia ang 45th anniversary ng diplomatic relations […]

  • Panawagan ng ilang senador na gawan ng special audit ang naging gastos ng pamahalaan kontra Covid-19, oks sa Malakanyang

    WELCOME sa Malakanyang ang panawagan ng ilang senador para sa special audit para sa naging gastos ng pamahalaan para labanan ang pagkalat at epekto ng COVID-19 sa bansa. Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, walang itinatago ang gobyerno kaya okay lang sa kanila ang special audit. Patunay na aniya rito ay ang pagsusumite ng weekly […]