Panawagan ng ilang senador na gawan ng special audit ang naging gastos ng pamahalaan kontra Covid-19, oks sa Malakanyang
- Published on August 3, 2020
- by @peoplesbalita
WELCOME sa Malakanyang ang panawagan ng ilang senador para sa special audit para sa naging gastos ng pamahalaan para labanan ang pagkalat at epekto ng COVID-19 sa bansa.
Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, walang itinatago ang gobyerno kaya okay lang sa kanila ang special audit.
Patunay na aniya rito ay ang pagsusumite ng weekly reports ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso hinggil sa implementasyon ng Bayanihan to Heal as One Act.
Ang batas, na napaso na noong Hunyo 25, ay nagbigay kay Pangulong Duterte ng special powers sa loob ng tatlong buwan para epektibong tugunan ang COVID-19 crisis.
“Walang pong tinatago ang Presidente at ang Malacañang. Lahat ng gastos, lahat po ng pera na ginastos para sa COVID-19 napunta po ‘yan para sa COVID-19 response ng gobyerno,” ayon kay Sec. Roque.
“We welcome the special audit noting na io-audit naman talaga yan ng COA dahil ang COA po ay post-audit po ang ginagawa,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer of the government’s COVID-19 sa publiko na ang transaksyon ay ‘aboveboard’.
“Maitataya po namin ang aming integridad sa pagbili ng mga pangangailangan ng ating mamamayan dito sa paglaban sa COVID,” ang pahayag ni Galvez. (Ara Romero)
-
PDU30, duda na nage-expire ang face shield
DUDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na napapaso o nae-expire ang face shields. Ito’y sa kabila ng naging paliwanag ng Department of Health (DOH) na ang medical-grade face shields ay mayroong “specific shelf life.” Nauna rito, araw ng Biyernes sa Senate hearing ay napag-alaman na pinapalitan di umano ng Pharmally Pharmaceutical Corp. ang […]
-
Pilipinas, ika-2 pinakamasayang bansa sa Southeast Asia
ANG PILIPINAS na ngayon ang pangalawa sa pinakamasayang bansa sa Southeast Asia. Ayon sa 2022 World Happiness Report (WHR) na inilabas ng Sustainable Development Solutions Network (SDSN). Pang-60 ang bansa sa 146 na ekonomiya sa mundo na may markang 5.904 sa ika-10 edisyon ng WHR. Ang Pilipinas ay napabuti […]
-
Bumubuo ng ‘Prima Donnas’, binigyan ng commendation ng GMA Network dahil sa successful and record-breaking run
MATULOY na kaya sa middle of March ang lock-in shoot ng first team-up nina Bea Alonzo at Alden Richards, na ipu-produce ng Viva Films at GMA Network? Matagal nang pinag-usapan ang shoot ng A Moment To Remember na based sa Japanese movie at Korean drama, ready na rin pareho sina Bea at […]