27 milyong Pinoy, target na gawing fully vaccinated ng gobyerno sa katapusan ng buwan
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
TARGET ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 27 milyong Filipino laban sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa katapusan ng buwan.
Isiniwalat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., isa ring chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, na hangad ng gobyerno na gawing bakunado o fully vaccinated ang limang milyong Filipino kada linggo sa natitirang tatlong linggo o 15 milyon sa katapusan ng buwan ng Agosto.
“As of Aug.” may kabuuang 12,282,006 indibidwal o 17.19 porsiyento ng eligible target population ng bansa na ang fully vaccinated.
“Hopefully ma-breach natin ang 27 million [second dose] so more or less sa computation namin, if we’re able to breach five million per week, makukuha natin ang 15 million ngayong August ,” ani Galvez.
Gayundin, may kabuuang 4,395,263 indibiduwal naman ang nakatanggap ng kanilang first dose. Ang kabuuang bilang ng nabakunahan naman simula Marso 1 ay 26,677,269.
Ang pahayag na ito ni Galvez ay makaraang personal na masaksihan ang pagdating sa bansa ng 575,800 doses ng AstraZeneca vaccines na binili sa pamamagitan ng trilateral agreement kabilang na rito ang national government, private sector na nagsilbing kinatawan ng Go Negosyo Foundation, at British-Swedish pharmaceutical company.
Samantala, ang karagdagang 15,000 doses ng Sputnik V mula Russia ay inaasahang darating sa bansa mamayang alas-4 ng hapon.
Ang mga biniling bakuna sa pamamagitan ng private sector-led “Dose of Hope”, na dineliver via China Airlines flight CI 701 na bumaba sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Lungsod ng Pasay dumating sa bansa dakong alas-9 ng umaga.
“These comprised the second tranche of procured vaccines under the Dose of Hope program. The first tranche — consisted of 1,150,800 doses — arrived on July 16,” ayon sa ulat. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Magandang itinatakbo ng vaccination rollout ng bansa, pinuri ni PDu30
Patunay kasi ito na ginagawa PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte Jr. magandang itinatakbo ng vaccination rollout sa bansa. ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para tiyakin na mas maraming Filipino ang protektado laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19). Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay sinabi ng Pangulo […]
-
Maraming Pinoy kulang ang tiwala sa vaccination program ng bansa- SWS
Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19. Ito ang lumabas na restulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS). Base sa survey na mayroong 51 percent ng mga Filipino adults ang nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibilangang ng 18 percent […]
-
PBBM, pinanatili ang COVID Alert Level System; target ang bagong health restrictions classification
SINANG-AYUNAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na manatili ang COVID-19 Alert Level System, sa ngayon lang habang naghahanap at pinag-aaralan na i-reclassify ang restrictions na komportable sa kasalukuyang milder strains na nakahahawa sa pasyente. Ito’y matapos na ihayag ng mga health authorities na makapagpapalabas sila ng bagong alert level classification sa kalagitnaan […]