Marcial may dalawang misyon
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
Dalawa ang tatargetin ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial sa kanyang susunod na pagsalang sa boksing.
Ito ay ang makuha ang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics at maging world champion sa middleweight division.
Ayon kay Marcial, hindi madali ang daang tatahakin nito. Subait handa ang Pinoy pug na magsakripisyo at gawin ang lahat upang makamit ang tagumpay na ito.
“Kailangan pa na pagbutihin sa training namin para maabot yung mga pangarap namin. Nasa puso na namin na gusto talaga naming makuha ang gold medal,” ani Marcial.
Nais nitong gawing inspirasyon ang naging karanasan ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na dumaan sa matinding pagsubok bago maabot ang inaasam na gintong medalya.
Apat na Olympic Games ang pinagdaanan ni Diaz bago makuha ang ginto — una noong 2008 sa Beijing, China kasunod ang 2012 London Olympics bago masiguro ang pilak sa 2016 Rio Olympics at ang ginto sa Tokyo Games.
Maliban sa Olympic gold, hangad din ni Marcial na makuha ang world title sa professional boxing.
Matapos ang Tokyo Olympics, nakaabang na ang professional boxing career nito kasama ang MP Promotions.
-
“Pagsusulong sa sustainable creative economies, isang hamon sa ating panahon” – Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS- “Investing in local culture such as music, dance, theatre, literature, including traditional knowledge and skills, can develop creative economies, open up opportunities, and help strengthen identity and community. Ito po ay isang prayoridad sa hamon ng ating panahon.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa ginanap na […]
-
SUPORTA SA UNITEAM DUMAGUNDONG SA ‘TIGER CITY’
NAG-UUMAPAW ang suportang binigay ng mga Mandalenyo kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nang magsagawa ito ng proclamation rally sa kilalang bansag na ‘Tiger City” o sa Lungsod ng Mandaluyong. Tanghali pa lang ay nakapuwesto na ang libo-libong mga supporters ng BBM-Sara UniTeam, samantalang alas singko ng hapon ‘saktong nagsimula ang programa […]
-
PNP, naka-heightened alert na para sa Semana Santa 2024
ITINAAS na sa heightened alert status ang buong hanay ng Philippine National Police bilang paghahanda sa pagpapatupad ng segurdidad at kapayapaan para sa darating na paggunita ng Semana Santa sa bansa. Sa isang panayam sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo na sa tuwing sasapit ang panahon ng Holy Week […]