• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP, naka-heightened alert na para sa Semana Santa 2024

ITINAAS na sa heightened alert status ang buong hanay ng Philippine National Police bilang paghahanda sa pagpapatupad ng segurdidad at kapayapaan para sa darating na paggunita ng Semana Santa sa bansa.

 

 

Sa isang panayam sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo na sa tuwing sasapit ang panahon ng Holy Week ay otomatiko nang ipinatutupad ng Pambansang Pulisya ang pagtataas ng alert status nito.

 

 

Gayunpaman ay binigyan din aniya ng authority at discretion ng PNP ang lahat ng mga regional directors na magdesisyon kung kinakailangan bang mas itaas pa sa full alert level ang Kani-kanilang mga nasasakupang lugar depend sa kanilang sitwasyon nito.

 

 

Sa kabilang banda naman ay iniulat din ni PCol. Fajardo na wala pa silang natatanggap na anumang uri ng banta sa seguridad na may kaugnayan sa paggunita ng Semana Santa.

 

 

Ngunit tiniyak ng opisyal na sa kabila nito ay hindi pa rin aniya magpapaka-kumpiyansa ang PNP at magtutuloy-tuloy PA rin aniya ang ginagawang koordinasyon nito sa iba pang mga law enforcement unit ng bansa tulad ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard upang tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng taumbayan ngayong panahon ng Semana Santa.

 

 

Samantala, una nang inihayag ng PNP na maaga pa lamang ay nakalatag na ang kanilang seguridad para sa Oplan Semana Santa at maging sa kabuuan ng summer vacation.

 

 

Kung saan nasa kabuuang 34,000 na mga pulis ang kanilang ipapakalat sa buong bansa partikular na sa mga lugar na tinukoy na areas of convergence tulad ng mga bahay sambahan, terminal, pantalan, paliparan, at iba pa.

 

 

Kabilang din sa inilatag na security ng Pambansang Pulisya ay ang paglalagay ng mga police assistance desks sa mga major thoroughfares, gayundin ang pagbabantay sa mga tourist destinations Lalo na ngayong inaasahan ang pagdagsa ng mga teroristang sasamantalahin ang long weekend para makapagbakasyon.

 

 

Kaalinsabay nito ay patuloy pa rin na nananawagan ang PNP sa publiko na palaging mag-ingat at maging alisto sa lahat ng oras at agad na ipagbigay Alam sa Pulisya ang anumang uri ng mga kahina-hinalang gawain, bagay o indibidwal na kanilang mamamataan. (Daris Jose)

Other News
  • PAOLO, nagpapasalamat sa GMA na napiling ex-bf ni HEART at muling nakaganap ng mabait na role sa serye

    IPINALABAS ng GMA Network ang “Love Together, Hope Together,” ang theme ng kanilang 2021 Christmas Station ID.      Napansin agad ng mga netizens na hindi na umabot at hindi na nakasama ang new Kapuso actor na si John Lloyd Cruz, pero nakasama na sina Bea Alonzo, Richard Yap, Pokwang, Beauty Gonzalez, ng halos lahat […]

  • Foreign trips ni PBBM, nagbukas ng bagong job opportunities abroad para sa mga Filipino -Department of Migrant Workers

    MAITUTURING na maganda ang naging Bunga ng mga naging byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa.     Isa na rito ang mabuksan ang  maraming job opportunities sa abroad para sa mga Filipino.     Sa press briefing, tinuran ni DMW secretary Susan Ople na isa na rito ang nabuksang pangangailangan ng Singapore […]

  • NCR may ‘community transmission’ na ng Delta variant

    May nagaganap nang ‘community transmission’ ng Delta va­riant sa National Capital Region (NCR) base sa mga bagong datos, ayon sa OCTA Research.     “We understand ang Department of Health, sila ang official body, kino-confirm nila ito through genome sequencing. We’re an independent group, (and) we can say based on statistics, based on sampling, yung […]