Saso iwan ng 9 na palo
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
MALAMBOT ang umpisa ni Yuka Saso sa nasapol lang na one-over 73 upang mabaon ng siyam na palo laban sa nag-iisa sa tuktok na si Na-Ri Lee ng South Korea sa 53 rd Japan Women’s Open Golf Championships 2020 sa The Classic Golf Club sa Miyawaka City, Fukuoka Prefecture nitong Huwebes.
Naka-nines na 36-37 ang top Philippine professional golfer na dalawang birdie at tatlong tatlong bogey sabalik-aksyon mula sa 10 araw na pahinga at paglilimayon kasama ang mga kapatid sa Tokyo ay ensayo sa 72-butas, apat na araw na torneong ito.
May malagablab naman ang 32-taong-gulang na Koreana na humataw ng 8-under 64 para sa dalawang palong kalamangan kay Japanese Sakura Koiwai (66), samantalang salo sa tersera sa parehas na 68 ang dalawa pang Nippon na sina Momo Ueda at Erika Hara.
Inaasam ng 19-anyos na Fil-Japanese rookie na si Saso na lampasan ang ika-13 puwesto sa una niyang sa 12th Ladies Professional Golf Association of Japan Tour 2020 at posibleng pangatlong korona sa pang-anim na kompetisyon dito. (REC)
-
Dahil lang sa pagpapalit ng Instagram handler: Netizens naalarma sa tsikang may pinagdaraanan sina HEART at CHIZ
KALAT na kalat na pati sa YouTube showbiz channels ang tungkol sa bali-balitang may pinagdaraanan daw ngayon ang mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Marami kasi ang naalarma sa pagpapalit ng Instagram handler ni Heart na kung dati ay buong ‘Love Marie Ongpauco-Escudero’, ngayon ay ginawa na lang niya itong ‘Love Marie’. […]
-
Pinas may silver na
TUMIYAK ng silver medal ang Philippine national beach handball team matapos magposte ng 3-1 record sa 31st Southeast Asian Games kahapon sa Tuan Chau Island sa Quang Ninh Province, Vietnam. Muling tinalo ng mga Pinoy bets ang Thailand, 2-1, sa ikalawa nilang pagtutuos matapos kunin ang 2-0 panalo noong Biyernes. Ang […]
-
Ads September 1, 2022