• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas may silver na

TUMIYAK ng silver me­dal ang Philippine national beach handball team matapos magposte ng 3-1 record sa 31st Southeast Asian Games kahapon sa Tuan Chau Island sa Quang Ninh Province, Vietnam.

 

 

Muling tinalo ng mga Pinoy bets ang Thailand, 2-1, sa ikalawa nilang pagtutuos matapos kunin ang 2-0 panalo noong Biyernes.

 

 

Ang Thailand ang ku­muha ng silver medal no­ong 2019 Manila edition na pinagharian ng Vietnam habang bronze ang nakamit ng Pinas.

 

 

“Di man kami nakaboto, naipanalo po namin ang laban ngayong araw kontra Thailand,” sabi ni national coach Jana Franquelli. “Sigurado na po tayo sa Silver Medal. Para sa bansa natin ang panalong ito. Maraming salamat sa inyong suporta! Mabuhay ang Pilipinas!”

 

 

Kung kumbinsidong tatalunin ang 2019 SEA Games gold medalist na Vietnam (4-0) ngayong alas-6 ng gabi ay ganap nang masisikwat ng mga Pinoy ang gintong medalya.

 

 

Nauna nang yumukod ang Nationals sa mga Vietnamese, 0-2, noong Sabado.

 

 

Ang top three teams matapos ang double-round robin ang magiging mga podium finishers.

 

 

Ang mga miyembro ng national team ay sina Daryoush Zandi, Dhane Miguelle Varela, Josef Maximillan Valdez, Rey Joshua Tabuzo, John Michael Pasco, Jamael Pangandaman, Manuel Lasangue, Jr., Andrew Michael Harris, Mark Vincent Dubouzet at Van Jacob Baccay.

 

 

Biniktima rin ng tropa ang Singapore, 2-0, noong Linggo.

Other News
  • Sharon, nanggulat sa IG post na naka-bathing suit

    MARAMING natuwa na mga fans ni Megastar Sharon Cuneta, sa panggugulat niya last Monday, November 2, sa kanyang Instagram post na naka-bathing suit kasama ang mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan.   Bago siya nag-post nito, nagpakita muna si Sharon na nagti-thread mill siya dahil gusto raw niyang pumayat, bumili raw kasi siya […]

  • 2 kalaboso sa patalim at shabu sa Valenzuela

    KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos maaresto sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Base sa report ni PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug […]

  • Ilang nagpasiklab sa Batang Pinoy pinarangalan ng Milo

    KINOPO ng City of Baguio ang three-peat overall championship sa katatapos na 13th Philippine Sports Commission-Batang Pinoy 2022 National Championships sa Vigan City, Ilocos Sur.     Sumungkit ng 100 medalya ang Summer Capital, pumangalawa ang Pasig City sa 48 golds at pumangatlo ang Quezon City n 46-ginto .       Bumahagi sa 6-day […]