• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LALAKI ARESTADO SA PAGNANAKAW SA CALOOCAN

Arestado ang isang lalaki na nagawang pasukin ang isang saradong bangko para magnakaw sa pamamagitan ng pagsira ng glass panel nito sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, nagawang matunton at maaresto ng mga tauhan ng Grace Park Police Sub-Station 2 sa pangunguna ni P/SSgt. Herbert Martinez at Pat. Mark Bryan Ballicud si Mark Joseph Lomeda, 27 ng 1154 Masagana St. Heroes Del 96 Bryg. 73, habang gumagapang sa kisame ng second floor ng PS Bank branch sa Rizal Avenue Ext. near corner 10th Avenue, Grace Park dakong alas-11 ng gabi.

 

 

Sa imbestigasyon nina P/Cpl. Niño Nazareno Paguirigan at P/SSgt. Arjay Terrado, dakong alas-8:40 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang PS Bank Inspector na si Rene Cerbana, 43, mula sa head office ng PS Bank sa Makati City at ipinaalam sa kanya na isang hindi kilalang lalaki ang nakita ng CCTV operator sa loob ng premises ng bank branch sa Caloocan.

 

 

Kaagad nagtungo si Cerbana at kanyang kasama na si Elvis Abdon, 29, sa naturang lugar at nang mapansin nila ang basag na glass panel ay sumilip sila sa loob ng bangko kung saan nakita nila ang suspek na gumagala sa loob.

 

 

Humingi ng tulong ang dalawa sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober sa kanya ang isang Bluetooth speaker at bala ng cal. 38.

 

 

Iprinisinta ang suspek sa inquest proceeding sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong robbery at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (Richard Mesa)

Other News
  • Witness-suspects vs Teves, ‘umaatras’

    BIGLA umanong nanahimik ang mga testigong suspek laban kay suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. dahilan para muling maantala ang paghahain ng kasong murder sa kongresista.     Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang muling ‘delay’ sa pangako nilang pagsasampa ng kaso kahapon ng Lunes ay dahil sa pagtanggi nang makipagkoo­perasyon […]

  • CAMPAIGN PERIOD, NAGSIMULA NA

    SIMULA na ang unang araw ng campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kahapon Okt.19 na tatagal hanggang  Okt.28     Ayon sa Commission on Elections (Comelec) , mayroong  1,414,487 aspirants ang inaasahang magsisimula nang mangampanya ngayong araw,Huwebes .     Kabilang dito ang 96,962 kandidato sa pagka-barangay captain; 731,682 para sa […]

  • Mga miyembro ng media, kasama na sa A4 priority group list para mabakunahan ng COVID vaccine

    KABILANG na ang mga miyembro ng media sa nabigyan ng prayoridad kaugnay ng nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno.   Ito ang nakasaad sa pinakahuling resolusyon na inilabas ng Inter Agency Task Force (IATF) kasunod ng ginawang pag- aapruba sa Priority Group A4 of the National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.   Saklaw ng resolusyon ang […]