Laguna, pinalawig ang ECQ hanggang Agosto 20
- Published on August 17, 2021
- by @peoplesbalita
PINALAWIG ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Laguna hanggang Agosto 20, 2021.
Ito’y batay na rin sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government at matapos ang konsultasyon sa lokal na pamahalaan ng Laguna.
Nauna nang inilagay ang Laguna sa ilalim ng ECQ hanggang Agosto 15, 2021, at napagdesisyunang ibaba sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Agosto 16 hanggang 31, 2021, hanggang sa susugan ngayon na ibalik sa ECQ status.
Ang pinakabagong ECQ re-classification ay ginawa upang ma- maximize ang epekto, pababain ang surge ng COVID-19 cases, at mapahinto ang pagkalat ng variants at mapaghusay pa ang health system capacity para protaktahan ang mas maraming buhay sa nasabing lugar.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito’y alinsunod sa Executive Order 112 na nagbibigay awtoridad sa IATF “to impose, lift, or extend a community quarantine in provinces, highly urbanized cities, and independent component cities.”
-
Commission on Human Rights, sinimulan na ang imbestigasyon sa pangho-hostage kay ex-Sen. De Lima at pagkamatay ng mga suspek
SINIMULAN na raw ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang motu proprio investigation sa insidenteng naging daan para sa i-hostage si dating Senator Leila de Lima na kasalukuyang nakapiit sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame. Kasama rin sa mga iniimbestigahan ang pagkamatay ng tatlong persons under police custody (PUPCs) na mga hostage-takers […]
-
Ads April 23, 2024
-
Geisler, PTA mag-ayos na
PINATALSIK ng Philippine Taekwondo Association si two-time Olympian Donald David ‘Donnie’ von Geisler III bilang kasapi at dineklara ring persona non grata ni PTA chairman Dr. Manolo Gabriel. “All rights and privileges granted to him as a PTA member has been deemed forfeited and terminated; Declared Persona Non Grata,” pahayag ng opisyal nitong Lunes. […]