• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Geisler, PTA mag-ayos na

PINATALSIK ng Philippine Taekwondo Association si two-time Olympian Donald David ‘Donnie’ von Geisler III bilang kasapi at dineklara ring persona non grata ni PTA chairman Dr. Manolo Gabriel.

 

“All rights and privileges granted to him as a PTA member has been deemed forfeited and terminated; Declared Persona Non Grata,” pahayag ng opisyal nitong Lunes.

 

Hinirit pa niyang “That the public and all registered chapters under Geisler have be notified of this decision, which immediately executory, and that the PTA take all necessary measures to prevent him from further engaging in activities that will harm the good name of the PTA.”

 

Kinasuhan nitong Hunyo ang PTA ni Geisler sanhi nang pang- aabuso sa kanya, sa mga mag-aaral niya ng sport at ilang kapwa atleta.

 

Isinabit niya sina PTA executive officeri Sung-Chon Hong noong Hun. 24 sa Philippine Competition Commission (PCC), at PTA secretary general Raul Samson sa Paranaque Prosecutor’s Office.

 

Kinapapalooban ang demanda ng dating atleta at ngayo’y coach- trainer ng tatlong libel at dalawang cybel libel kaugnay sa mga panayam kay Samson ng diyaryo, radyo at online na ‘niloko’ ni Geisler sina national team athletes Samuel Morrison at Arven Alcantara para samahan siya sa D. Geisler Taekwondo Center online webinar.

 

Beterano ang 45-anyos at residente ng Merville, Paranaque ng 2000 Sydney, 2004 Athens Olympics, at three-time Southeast Asian Games champion.

 

Sana madaan sa mabuting usapan na lang ang hindi pagkakaunawaan ng mga opisyal at ni Geisler para sa kapakanan ng mga mga batang jinn a tinuturuan ng huli at para na rin sa kapakanan ng sport sa pangkalahatan. (REC)

Other News
  • Mayor Guo sinalag ‘conspiracy’ sa POGO

    NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala itong koneksyon sa anumang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operations sa bansa kaya maling tawagin itong “conspirator” nang walang matibay na ebidensya.     Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Guo bilang reaksyon sa kasong Anti-Trafficking in Persons na isinampa laban sa kanya sa Department of […]

  • P6.2-T national budget iminungkahi para sa fiscal year 2025

    IMINUMUNGKAHI ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang P6.2 trillion national budget para sa fiscal year 2025. Mas malaki ito mula sa P5.768 trillion na budget ngayong taong 2024. Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na target kasi mapalakas pa ng pamahalaan ang mga high impact infrastructure projects na siyang pakatutukan […]

  • Ads November 8, 2021